Ayaw niya ng alalahanin pa ang araw na yun. Magkikita dapat sila Win.
Yun din sana ang araw kung kailan niya tatanungin ang binata kung pwede na maging sila. Ayaw niya na kasing patagalin.
Hulog na hulog na siya para dito para pakawalan pa ang binata.
Mahal na mahal niya si Win.
Sapat na siguro ang ilang buwan nilang pagmamabutihan para magkaroon sila ng pormal na relasyon. Paalis na dapat siya ng bahay nila ng biglang tumunog ang cellphone niya, indikasyon na may nagtext sa kanya.
Dali-dali niyang kinuha ito para tingnan kung si Win ba ang nagtext. Pero labis ang pagtataka niya na hindi naman rehistrado ang numero nung nagtext lalo pa’t kilala siya nito.
Nabigla siya ng malaman na tatay pala yun ni Nnevvy. Naalala niya na mahigit isang taon na pala mula nung naghiwalay sila pero bakit biglang nagparamdam ang tatay nito.
Kung anuman ang dahilan, hindi maganda ang pakiramdam niya dun.
Makalipas ang palitan nila ng sagot nakumpirma niyang tama siya.
Hindi na dapat siya sasagot sa pakiusap ng tatay ni Nnevvy dahil wala namang kasiguruhan kung totoo man yun o hindi. Nagkibit balikat na lamang s’ya.
Pero aminin ‘man nya o hindi, kinakabahan siya.
Kung para saan, hindi niya alam. Baka dahil sa pagtatapat niya mamaya para kay Win.
Oo, dun nga siguro.
Yun ang pinipilit niyang isipin ng oras na yun. Pero para siyang tinakasan ng ulirat habang nakatingin sa taong nasa labas ng bahay nila ng sandaling yun. Hindi siya nakagalaw ng bigla itong tumakbo palapit sa kanya at yakapin siya.
Wala siyang nasabi buhat sa narinig. Hindi niya gaanong naproseso ang lahat ng sinabi ni Nnevvy bukod sa huli nitong binanggit. Sinambit ng paulit-ulit na parang hanggang ngayon ay patuloy pa rin sa pag-alingawngaw sa utak niya.
‘Akin ka lang, Bright. Akin lang.’
