Natawa ng bahagya si Win matapos niyang makita ang sagutan ni Gulf at Gun. Hindi niya namalayan ang brasong unti-unting pumulupot sa bewang niya.
Nabigla si Win ng hapitin siya ni Bright papalapit sa katawan nito. Pero kalaunan ay natawa na lang siya dahil sa higpit ng yakap na ginawad sa kanya ng binata habang inaamoy-amoy nito ang leeg niya.