Ilang minuto lang ay nakita niya na ang kotse ng mga ito sa malayo. Nakatanggap din siya ng tawag sa tatay nito bilang kumpirmasyon.
Dahan dahan siyang bumaba sa kanyang sasakyan at pumasok sa loob ng bahay nito. Tahimik ang paligid na para bang walang tao sa loob. Nagtataka man ay pinagpatuloy pa rin niya ang paghahanap sa dalaga hanggang sa bigla na lang itong sumulpot sa kung saan.
Hindi nakatulong yun sa kabang nararamdaman ni Bright. Para siyang sinasakal sa tuwing kasama niya ang dalaga. Yun yung pakiramdam niya kahit dati pa.
At yun pa rin ang nararamdaman niya hanggang ngayon.
Minahal niya naman talaga ito dati kaso sumobra na, hindi niya na kinaya.
Naaawa siya dito pero alam niyang makakatulong ang medikal na atensyon na ibibigay sa kanya para maging maayos na ito. Ngumiti ito sa kanya bago siya nito yakapin. Hindi niya alam kung yayakapin niya ito pabalik kaya hinintay niya na lang kumalas ito sa kanya bago niya ‘to ngitian.
Yung tunay na ngiti na hindi niya kayang ibigay nung una.
You’ll be fine, Nnevvy, in time.