“Tangina, hindi pa ba matatapos ‘tong subject ‘to?” gigil na napadukdok ng ulo si Gulf sa kanyang lamesa bago tumingin sa kawalan.
“Nako, simula nung nagkasundo kayo ni Joss dahil sa pusang yan, napapadalas na labas n’yo ah!” pabulong na sigaw ni Gun sa kanilang dalawa.
Tumango naman si Win.
“Kaya nga, malapit-lapit na siguro ‘tong si Gulf.” natawa naman si Gun at sumang-ayon sa sinabi ni Win.
Umirap naman si Gulf.
“Punyeta, anong malapit-lapit ang pinagsasabi n’yo dyan?”
“Deny pa si bakla, oh! Pero namumula naman.” pang-aasar ni Gun bago balingan si Win.
“Hoy Metawin, akala mo ba hindi ko napapansin yung closeness n’yo ni Luke?”
Tipid na ngumiti si Win.
“Magkaibigan lang kami nung tao tsaka alam n’yo naman, di’ba?”
Napansin naman nung dalawa kung pano lumungkot ang boses ng kaibigan.
“Tama yan Win, ‘wag mong madaliin.” sabi ni Gulf matapos niyang hagurin ang likuran ni Win.