uuhj

1 0 0
                                    

Kung paano n'ya gustong hatakin ang oras kahapon para makasama agad si Bright ay ganun din n'ya ka-gustong pahintuin ang oras sa sandaling yun. 

Hindi naman s’ya tanga. 

Mas lalong hindi s’ya manhid para maramdaman na may nag-iba. 

Na may ibang pinapatungkulan si Bright sa mga tweets n’ya. 

Alam n’ya naman kasing hindi na para sa kanya yun, pero pilit niyang pinapaniwala ang sarili na baka siya pa rin. 

Na siya yung pipiliin kasi siya yung nandyan. 

Natawa siya saglit bago pinagpatuloy ang paglalakad papunta sa usual hang out place nila Bright. Kung bakit siya natawa, hindi niya rin alam kung para saan at kung para kanino. 

Ilang hakbang nalang at malapit-lapit na siya sa palaging pinupwestuhan nila ng binata. 

Mula sa kinatatayuan nya ay tanaw-tanaw ang likuran ni Bright. 

Hindi lang pala likuran ni Bright, pati na rin yung kasama niyang babae na nakandantay ang ulo sa balikat ng binata. 

Siya na siguro yun. 

BWWhere stories live. Discover now