Chapter 1

7 1 0
                                    

Noeme couldn't help but stare at the people dancing in the club. Ano nga ulit ang pangalan ng club na to? Tanong niya sa isip niya. Hindi Niya maalala. Basta pumunta siya dito kasama ang mga kaibigan niya para magsaya at kalimutan ang ilang bagay sa buhay na nakaka-stress.
Medyo mabagal ang nakaplay na music and there's a couple dancing sweetly kahit hindi naman talaga ganoon ka slow ang music.

Edi kayo na may jowa. Isip niya. Which is absurd she thought. Dahil galit siya sa mga lalaki. Ayaw niya na. After that incident? No way!

"Ayos ka lang Bash?" takang tanong ng kaibigan niyang si Lea. May hawak pa itong baso ng beer.Bash ang endearment nila. Hindi rin niya Alam kung saan nila nakuha yon. Basta nalang nilang naisip.

She tried to fake a yawn. "Oo naman. Antok lang." Kahit ang totoo tingin niya umiipekto na ang ilang shots ng tequilang ininom niya. Medyo umiikot na ang surroundings niya.

"Alam ko na!" biglang sabat nga Isa pa niyang kaibigan si Dana. "Maglaro tayo ng usual na party game." dagdag pa nito sabay inom sa margarita niya.

"O sige." sangayon ni Fritzy. "Eto bagong bago. Truth or dare."

"Sige sali ako, sali ako diyan. Let's do this Bash."exited na sagot naman ni Lea.

Wala nang nagawa si Noeme. Masaya rin namang sumali sa ganito. Carry lang. " Paano natin gagawin? May bote kayo diyan?" magana niyang tanong.

"Di na kailangan, may app ako para diyan" sagot ni Fritzy.

"Talaga may app kang pang spin the bottle?"  gulat niyang tanong kahit di naman talaga gaanong nakakagulat, party animal tong si Fritzy eh.

Nagsimula na silang maglaro. Unang na point si Lea. At ang pinili nito ay truth. Para daw hindi na siya gumawa ng Kung ano-anong kalokohan.

"Sige."panimula ni Dana na siyang katapat nito. "Ang tanong ay, kailan ka  kakawala sa toxic relationship mo?"

Personal yon, dahil ang toxic boyfriend ni Lea ang dahilan kung bakit siya andito ngayon.

"Iinom nalang ako." maikling sagot ni Lea.
Tinanggap naman nila. Alam nilang may pinagdadaanan siya.
Nagtuloy tuloy ang laro nila. Si Fritzy pinag sexy dance nila. And she gladly did. Baliw talaga. Si Dana dare din ang pinili. Pina sigaw nila siyang mahal niya ang boyfriend niya kahit wala naman talaga siyang boyfriend.

When it was finally her turn, hindi na siya nagulat nang sa kanya ibinigay ang pinaka baliw na dare. Dahil siya naman talaga ang pinaka baliw sa kanila.

"Sige. Nakikita mo yang hot na lalaking yan na nakaupo sa red sofa?"sabay turo ni Fritzy.

Tiningnan niyang maigi. Aba! Hot nga.Nakasuot ito ng simpleng ripped jeans at muscle shirt. Nananahimik lang ito na nakaupo sa kulay red na cresent shaped sofa. Perfect target.

"Ganito" pagpapatuloy ni Fritzy na parang kinikilig at natatawa ng sabay. "Lapitan mo siya at subukan mong gisingin ang inner lust and monster niya."

"Ha? Ang alin?"
"Basta akitin mo siya at siguraduhin mong magigising ang katawan lupa niya.Ikaw na ang bahala maganda ka naman eh."
"Okay.Heto na"
Dahan dahan siyang lumapit sa target. Ang nasa isip niya lang kahit lasing ay. Kaya niya kaya itong akitin sa kabila ng voluptuous niyang katawan? Inayos niya ang suot na red dress na hapit na hapit sa katawan niya.Which exposes her curves.
Aha! May bigla siyang naisip na kapilyahan. When she got close to the target,
"Hi!" malumanay niyang bati.
"May kailangan ka miss?" Oooh... Ang manly ng voice. Nice! Isip niya.

After a Crazy GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon