Chapter 15

0 0 0
                                    

Author's note: Ahm hi guys! Warning. This chapter has explicit contents. SPG. Bawal sa children









"Okay lang ba siya?" Anang pamilyar na boses sa kung sino.

"Sabi ng doctor hintayin lang daw muna natin ang results ng lab tests." Boses yun ng isang babae.

"Huwag kayong mag-alala ayos lang siya." May isa pang lalaki.

Dinig rin ni Noeme ang boses ng mga lalaking nagkukulitan.

"Kawawa naman ang girlfriend no Levi."

"Mas kawawa ka."

"Bakit naman?"

"Kasi wala kang girlfriend!"

"Idiot! I don't do girlfriends!"

"Shhh! Ang iingay niyo!" Saway ng Isa pang boses ng babae.

Sino ba 'tong mga taong to? Ang iingay.

"Hmmm...." Kinamot niya ang buhok niya dala ng iritasyon.

Dahan dahan niyang iminulat ang mga mata. Nagulat siya sa nakita.

Six sets of eyes were looking at her. Makailang ulit siyang napakurap bago mabilis na bumangon.

"A-anong nangyari?" Nagugulohang tanong niya habang nakatingala sa mga taong nakapalibot sa kanya.

"Nahilo ka kanina kaya dinala ka namin ni miss Raval dito sa ospital." Si Mr. Villego yon habang naka-akbay sa kay Kamille na wala man lang bahid ng kahit among emosyon ang mukha.

Agad na lumapit sa tabi niya si Levi, at umupo sa gilid ng kama. "Ayos lang ba ang pakiramdam mo? Kamusta? Pinag-alala mo ako." Bakas ang pag-aalala sa mukha ng kanyang kasintahan.

Aww. Sweet. But as much as she wants to be taken cared of by this creature. Hindi pwede. A pang of guilt and anger suddenly rose in her chest.

Hindi siya nagsalita at tiningnan lang si Levi.

"Bro! Ayos lang ba yang girlfriend mo? Bakit ayaw magsalita?" Tanong ng lalaking hindi niya kilala.

"Oo nga tama si Bryce. Bakit ayaw niyang magsalita?" Si Zein na naka-akbay at nakahilig ang ulo sa balikat ni Ellyn. At nakaupo na sa mahabang sofa sa parang maliit na sala ng kwarto.

Bumukas bigla ang pinto at pumasok ang dalawa niya pang kaibigan Hannah at Glory kasama si Alex.

Agad tumakbo ang dalawa papunta sa kanya at niyakap siya.

"Noeme! Nag-alala kami sayo." Si Hannah yon na halatang sobrang worried.

"Oo nga. Pumunta agad kami as soon as we heard." Malambing na sabi ni Glory.

Her heart swelled. Ang mga kaibigan niya. Napaka swerte niya sa kanila. Mahal talaga nila siya.

Bumukas ulit ang pintuan at pumasok ang isang babae. Mukhang isang doktor.

Agad napunta ang atensyon ng lahat sa doktor. "Doc. Kamusta po siya?"

Ngumiti lang ang doktor at tumingin sa kanya bago nagsalita. "She's okay. Infact I have a good news."

"Ano po 'yon?" Si Levi.

"Ayon sa lab tests niya, mataas ang HCG sa dugo niya." Anang doktor.

Malakas na napasinghap si Kamille bago pa man tapusin ng doktor ang sinasabi. Napabaling tuloy ng tingin ang lahat sa kaibigan niya. "Buntis po siya?" Halos sigurado pero gulat na tanong nito sa doktor.

After a Crazy GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon