Chapter 13

1 0 0
                                    

Nakakalula ang laki ng bahay Nina Levi. Yun ang unang bagay na pumasok sa utak ni Noeme nang pumasok ang kotse ni Levi sa loob ng gate nila.

Medyo maaga siya nitong sinundo kesa sa inaasahan. Kaya naman kinailangan niyang magmadaling mag-ayos. Buti nanalng at hindi niya raw kailangan na maging sobrang pormal. Isang simpleng cute na blouse na kulay olive green jeans at doll shoes lang ang sinuot niya.

"Ganito pala ka bongga ang bahay niyo?" Namamanghang tanong niya sa Levi habang nagda-drive sila papasok.

Tumaas lang ang sulok ng labi ng binata. Mukhangbsanay na siya sa ganitong reaksyon ng mga tao sa bahay nila.

She could see the fountain in front the grand mansion. It was a combination of white and gold.

Titig na titig siya sa malaking bahay hanggang sa tumigil ang kotse sa harap nito. Pinagbuksan siya ng pintuan ni Levi.

Bigla siyang nakaramdam ng kaba nang makababa siya kotse. Huminga siya ng malalim bago hinawakan ni Levi ang kamay niya. He intertwined his fingers with hers.

"Relax Noeme." Napansin ata ni Levi na kinakabahan siya. "They will love you."

Nginitian niya lang ang kasintahan. Hindi ata normal 'tong ginagawa nila. Isang linggo palang mula nang maging sila, pero heto, dinala na kaagad siya nito sa family dinner nila.

"Sigurado ka ba rito? Isang linggo palang tayo."

"Well, I told you I want you to get to know me right? This is the first step."

Dahan dahang bumukas ang malaking pintuan sa harap nila. Bumungad ang isang maganda at eleganteng babae. Medyo may edad na ang babae, but she still have off an air of confidence and elegance.

"Hi son!" Bati nito at agad na niyakap si Levi. He hugged the woman back.

"Mama! Na miss mi ako no?" Nanunudyo ang tono ng boses ni Levi.

"Siyempre anak kita." Natatawang sagot ng babae nang humiwalay so Levi sa yakap nito. Nakatayo lang siya doon habang pinapanuod ang mag-ina.

Napabaling ang tingin ng ginang sa kay Noeme. Magiliw itong napangiti sa kanya. "And this must be your girl."

"Hi. Nice to meet you po." Nahihiyang aniya. Lumapit ito sa kanya at niyakap siya at hinalikan sa pisngi.

"It's very nice to finally meet you. Ikaw siguro si Noeme. I've heard a lot about you."

Her forehead knotted at what she heard. "P-po?"

"Well, my son told me a lot about you." Magiliw na sabi ng ginang.

"Huwag niyo na po along ilaglag Mama." Naglalambing na sabi ni Levi sa ina nito.

"Huwag ka ngang parang bata." Saway ng ginang sa anak niya. "Ang laki laki mo na may girlfriend ka na tapos Mama's boy ka parin."

Lumapit ang binata sa kanya at niyakap siya habang nahilig ang ulo sa balikat niya. "Iligtas mo ako Noeme. Inaaway ako ng mama ko."
Nilalambing siya nito.

Bumaling siya ng tingin sa mukha nito ang gave him a deadpan look.
"Really Levi?" Tumingin siya sa ginang. "Napaka clingy po ng anak niyo Ma'am."

He pouted. So adorable. Parang bata, ang kulit at ang hilig maglambing.
Mula nga nang maging sila at ganito na ito ka-clingy. Pinupuntahan siya nito minsan sa office nila para lang kulitin.

Pero gusto niya na close ito sa magulang. Kase ibig sabihin at magalang at may respeto sa magulang ang binata. Ang pagkakaalam niya ay stepmother lang ito ni Levi. Pero parang tunay na ina niya ito kung lambingin.

After a Crazy GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon