Oh yeah! First day at work. Sobrang exited ni Noeme pagkapasok niya sa Building ng EVL. Makakasama niya rito ang mga kaibigan niya. Bitbit pa niya ang isang kahon na may lamang mga gamit niya.
Agad siyang dumeretso sa opisina ng design team. Sumalubong sa kanya ang kaibigan niyang si Kamille.
"Noeme!"bati nito sabay hug sa kanya."Oh my gosh! I'm so exited. Nasa iisang department lang tayo.""Oo nga exciting." Hinila siya nito patungo sa magiging desk niya.
"Dito ang desk mo. Magkatabi tayo."Anilapag niya ang dalang kahon sa mesa niya at isa-isang inilabas ang mga iyon para mai-arrange niya.
"Ipapakilala kita sa mga kasama natin." Sumunod naman siya sa kaibigan.
"Guys! Hali kayo ipapakilala ko ang bago nating kasama."Agad naman lumapit ang ibang kasama nila sa malaking mesa sa gitna ng office nila. Medyo malawak kasi ang office ng team nila sa building na ito.Mukhang sila ang mga kaibigan ni Kamille dito. Isa-isang nagpakilala ang dalawang babaeng lumapit at isang bakla. Naging napaka welcoming nila. Pinakilala nila ang iba pang mga katrabaho.
"And that" turo ng kaibigan niya sa isang babaeng kakapasok lang na nakasuot ng kulay red na seksing damit."Is our team leader Miss Ellyn Venice Madrial.""Madrial?" Nakakunot noong tanong niya sa kaibigan habang nakatitig sa maganda at mukhang sopistikadang dalaga.
"Yes. Step sister siya ni sir."
"Aaa. Okay."
"Huwag ka mag-alala mabait naman yan di lang halata."Mukhang napansin ng magandang dalaga na TL nila ang presence niya, at lumapit ito sa kanila.
"Hi! You must be the newbie in my team. Ang ganda mo naman" Bati nito ng may ngiti sa labi."Ahm.Ako nga po. I'm Noeme Garcia po." Inabot niya ang kamay niya. Magiliw naman itong tinanggap ng babae.
"I'm Ellyn Venice Madrial. Just call me Ellyn. Di na kailang ng mga miss miss na 'yan. Galingan mo ha. I hope we get along well. Welcome to the team."
"Thank you ma'am" Kinindatan siya nito bago umupo sa harap ng computer niya. Di niya mapigilang mapangiti. Napaka good natured naman ng babaeng ito. Nagtuloy-tuloy ang pagpapakilala ni Kamille sa kanya sa iba pang tao sa trabaho nila."Asan nga pala si Glory?" Tanong niya sa kaibigan nang ma-realize niyang wala rito ang isa pa niyang kaibigan.
"Nasa desk niya, busy. Alam mo naman, secretary siya ni sir Levi.""Pinapahirapan ba siya ni sir Levi?"
"Hindi naman. Ang bait-bait nga non sa kanya.""Ganon? Sige mamaya nalang natin siya kumustahin dito muna tayo. Marami pa tayong gagawin eh."
Naging masaya naman ang unang araw ni Noeme sa bago niyang trabaho. Ang totoo halos wala naman itong pagkakaiba sa dati niyang trabaho sa ibang kumpanya.
"Noeme kain na tayo." Aya ni Kamille sa kanya. Mukhang hindi niya namalayang lunch break na pala. Kailangan kumain. Kung hindi, baka madagdagan ang saltik niya.
"Sige punta muna ako sa CR sandali."
"Okay"
Kanina pa talaga siya naiihi. Pinipigilan niya lang kasi ang dami niya pang tinatapos.
Nagmamadali siyang lumabas ng banyo gutom na siya. Di kasi siya nag-agahan.
Nagulat siya nang makasalubong niya sa daan ang boss nila. Si Mr. Madrial."Mr. Madrial kayo po pala. Hi!" Bati niya rito.
Kumunot ang noo nito. Habang nakatingin sa kanya. May mali ba sa sinabi niya?
"Sir Levi nalang. Mas prefer ko na ganoon ang tawag sa akin ng employees ko." Ngumiti ito pagkatapos magsalita. She felt it again. That tingling sensation. So wierd. Everytime he smiles, she feels her heart beat faster than usual."Ah. Okay po Sir Levi." Magalang niyang sagot."Kumain na po ba kayo?"
"May kasabay na ako" diretsong sagot nito sa kanya.
"Hindi ko naman po kayo inaayang sumabay sakin sir eh." Pamimilosopo niya. "Tinatanong ko Lang po Kung kumain na kayo. Kasi lunch break na po at yun ang tama."
Biglang nalukot ang mukha ng binata.
Nilagpasan niya lang ito.
Aba! Anong akala niya porket gwapo siya may karapatan siyang akalain na yayayain niya ito. Hindi no. Kahit na sobrang attracted siya sa Hazel niyang mata, sexy niyang lips, at ang mala anghel na kabuuan niyang mukha. And his well-toned body. Ano kayang itsura ng katawan nito kung walang damit.
Damn! Her imagination.
BINABASA MO ANG
After a Crazy Girl
RomanceNoeme Garcia was always described by everyone around her as crazy. Well, they could right. Then a dare from her friends one crazy night introduced her to Levi Madrial whom she did not know was her boss. He falls madly in love with the Crazy girl.Per...