Chapter 11

0 0 0
                                    

Ramdam ni Noeme ang kakaibang titig na binibigay ni Hannah sa kanya.

"What?" Makalipas ang ilang Segundo ay tanong niya.

"Nothing" Umiling ang kaibigan niya na sa pakiwari niya ay may alam. "You just look cute tonight. Hindi lang ako sanay. Usually kasi, fierce ka tuwing magpe-perform tayo."

Napatingin siya sa sarili. Ang sweet nga naman ng outfit niya. Olive green dress at pink strapped shoes. Pa-cute masyado.

"Oh. Ganon?" Napakamot siya ng batok. "Siya kasi bumili nito." Turo niya Kay Levi na nasa unahan nila at sinisilip ang audience.

Biglang umakbay si Alex Kay Hannah mula. Isang malapad na ngiti lang ang reaksiyon ni Hannah. 

At siya naman ay tumaas ang isang kilay. Okay na kaya sila. Kagabi nga ay magkasama ang dalawa sa restaurant na pagmamay-ari pala ni Alex. Aba! Ang kaibigan niya, nagdadalaga na!

"Boys alam niyo na ang song tonight right?" Paniniguro ni miss Summer. Tumango naman ang dalawa.

Pumasok sa stage sina Hannah at Alex na magkahawak ang kamay. Siya naman ay nauna kesa kay Levi. Sa gitna kasi siya bilang vocals ang part niya. Sa drums naman si Levi, habang sina Alex at Hannah naman, ay tulad parin nuong nakaraan.Nakakarelate siya sa kanta ngayon. Cornelia street, ni Taylor Swift. Sinimulan 'yon ni Hannah sa keyboards.

We were in the backseat
Drunk on something stronger than the drinks in the bar
"I rent a place in Cornelia street"
I say casually in the car.
We were a fresh page on the desk
Filling in the blanks as we go.

Hindi niya maiwasang maalala ang tungkol sa kanila ni Levi dahil sa lyrics ng kanta. Fresh page nga sila. Hindi pa nila ganoon ka kilala ang isa't- isa. Kahit pa pakiramdam nila ay matagal na silang magkakilala.

And I never lose you
Hope it never ends
I'll never walk Cornelia street again
That's the kind of heartbreak
Time could never mend
I'll never walk Cornelia street again

Ayaw niya ngang matapos ito. Itong Kung ano man na meron silang dalawa ni Levi. Pero alam niyang matatapos rin 'to sa huli. Mage-expire ang interes ng binata sa kanya. At sa pagdating ng araw na 'yon, pag nagbreak sila, sana hindi ganun kasakit.

She eyed Levi. Nasa left side niya ang binata at ang drums. He was wearing a simple pair of faded jeans, blue shirt and sneakers. The one he wore the first time they met. But damn! He looks smokin hot. Hapit kasi sa mucles ng braso nito ang sleeves ng t-shirt. Kaya siguro tili ng tili ang mga babae sa crowd. Dahil sa kay Alex  at syempre dahil kay Levi.

And Baby, I get mistified by how this
City screams your name.

She eyed him again as she hit the chorus. Fuck! So hot! Anang maliit na boses sa utak niya. Hindi niya mapigilan eh. He was biting his lips and it made her wanna kiss him. May papikit-pikit pa itong nalalaman. Parang sobrang ine-enjoy nito ang ginagawa habang ekspertong tinutugtog ang drums.

And Baby, I'm so terrified that if you
Ever walk away
I'll never walk Cornelia street again.

He must have noticed her eyeing him. Kumindat ito sa kanya. Naghuhuramentado ang puso niya. Nag-iwas siya agad ng tingin.
Relax ka lang puso.
God! What should she do? It's as if the chains of her heart is getting broken and it's about to break free.

Hanggang sa matapos ang kanta ay hindi na siya tumingin pa kay Levi. Baka hindi na niya mapigilan ang sarili at malapitan niya ito at halikan sa stage. Naloloka na siya sa mga bagay bagay na pumapasok sa utak niya.

After a Crazy GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon