"C-crazy Girl?!"
Asiwang tumingin si Noeme sa mga kaibigan ni Levi."Ahm. H-hi." Asiwa niyang sagot sa mga ito. Pero nakatingin lang sila sakanya sa parang tinibuan siya ng ikalawang ulo. Tinitigan nila pati ang suot niyang kumot.
"I don't even wanna know what this sucker did to you." Ani Zein na siya ang kausap.
"At akala ko talaga inuwi ka niya kagabi sa bahay mo." Walang paglagulat na bakas sa boses ni Alex.
Levi just gave his friends a deadpan look. Niyakap siya nito sa bewang at inharang ang katawan para hindi makita ng mga lalaki ang itsura niya. Na para bang hindi pa nila ito nakita kanina.
"S-sorry Levi. Akala ko wala kang kasama eh. Hinanap kasi kita."
"Shh... It's okay." Nagulat siya nang bigla siya nitong buhatin. Wala siyang ibang nagawa kung hindi kumapit nalang sa leeg ng binata. Nakita niyang nagtinginan ang mga kaibigan ng binata sa ginawa nito.
"A-anong ginagawa mo?" Ilang niyang tanong habang nasa hagdanan sila paakyat.
"Yung mga damit mo, nilabhan ko pa. Pero bumili ako ng damit mo kanina." Parang wala lang dito ang bigat niya habang buhat-buhat siya nito parang bride.
"Talaga?"Gulat niyang tanong.
"Bumili na rin ako ng underwear." Dagdag pa nito na siyang ikinagulat niya lalo. Ramdam ni Noeme ang pamumula ang pisngi niya.
Nang makarating sila sa kwarto ni Levi, iniwan niya ang binata para pumasok sa banyo at naligo. Lumabas siya sa banyo na nakatapis ng tuwalya.
Nagtaka siya nang may kinuhang dalawang paper bag sa closet si Levi.
"A-anong ginagawa mo?" Tanong ni Noeme nang tanggalin ni Levi ang suot niyang tuwalya.
"Binibihisan ka." Parang wala lang dito ang ginagawa nito. "You can't just walk around na towel lang ang suot."
Napakurap nalang siya habang tinititigan ang binatang binibihisan siyang parang baby mula pang-ilalim hanggang sa dress. Sinuotan siya ng binata ng isang kulay olive green na dress na hanggang ibaba nv tuhod niya ang haba.
"Ginagawa mo ba 'to sa lahat ng nakasama mong babae?" Napatanong siya rito habang sinusuklayan siya.
"Nope." Anito nang matapos nang suklayan siya. "I just like taking care of you."
Bumaling siya ng tingin dito. "You do?"
"Yeah. I do." Parang may nakita siyang hindi niya mapangalanang emosyon sa mga mata nito.
"Pero Levi, hindi mo pa naman ako ganon ka kilala."
"I know. Pareho lang naman tayo." Tinitigan siya nito sa mga mata. "So I want to get to know you. And I want you to get to know me. Would you let me?"
Gusto siya nitong makilala? Pero paano kung malaman nito ang nakaraan niya. Tatanggapin ba siya nito? O pandidirihan? Gustong gusto niya rin namang makilala pa ng husto si Levi. Ang boss niya. Ang taong habol ng habol sa kanya. Ang taong unti-unti na niyang nagugustohan.
"Levi!"
Natigilan sila nang marinig ang pagtawag ng mga kaibigan ng binata."Mamaya na yan. Kain muna tayo. Nagugutom na kami eh." Pang-aasar ng mga kaibigan niya mula sa labas ng kwarto.
"Fuck you!" Pasigaw na ganti ni Levi.
Naiiling na natawa nalang siya sa pag-aasaran ng mga ito. Parang bata.
Hinawakan ni Levi ang kamay niya at isinama siya nito palabas sa kwarto.
"Alam mo ba Noeme." Panimula ni Zein nang makalabas na sila. "Marami akong alam na mga sikreto nitong boyfriend mo. Gusto mo bang i-share ko sayo?"
BINABASA MO ANG
After a Crazy Girl
RomanceNoeme Garcia was always described by everyone around her as crazy. Well, they could right. Then a dare from her friends one crazy night introduced her to Levi Madrial whom she did not know was her boss. He falls madly in love with the Crazy girl.Per...