Napaka busy nang back stage habang nagaganap ang fashion show. Naging maayos naman ang lahat. Naging maayos ang pagre-release nila sa bagong collection. Para kay Noeme, isa yong achievement. Isa siyang baguhan kaya masaya siyang maging part ng pagsasagawa sa bagong collection sa unang buwan niya sa EVL.
Natapos naman ng matiwasay ang event sa kabila ng mga nangyaring para sa kanya ay kakatwa ngayong araw.
"Hey!" Salubong sa kanya ni Ellyn nang makalabas siya sa backstage.
"Hi!" Balik bati niya. "Congrats sa atin nagawa natin." Buong galak niyang sabi.
"Oo nga." Walng buhay na sagot sa kanya ng dalaga. "Isa na namang matagumpay na launch."
"Bakit parang hindi ka masaya?" Nagtatakang tanong niya. "Ayos ka lang? May problema ba?"
"Wala. Ayos lang ako. Wala Kang dapat ipag-alala."
"Sigurado ka?" Nag-aalalaniyang tanong. "Hindi ka sasama sa ibang mag- celebrate? Nasa club na sila. Pwede ka namng sumunod."
"Hindi na. Hayaan mo na sa kanila 'yon." Bahagyang kumunot ang noo ni Ellyn. "Ikaw? Hindi ka ba sasama?"
"Hindi. Ayokong malasing ngayon." Baka mabaliw ulit siya at gawin niya ulit yung ginawa niya nung hiking beses na nalasing siya. "Sige uwi na ako."
She can hear the stakato sound of her heels as she walked towards the elevator. Halos wala na kasing tao sa building. Kanina pa kasi tapos ang event. Hindi siya sumama sa iba sa club para mag-celebrate at gumimik dahil Friday. Ayaw niyang maglasing ngayon.
Napabuntong hininga siya habang nasa loob ng elevator. Sobrang nakapagod ang araw na 'to. Napaka busy niya at sobrang daming nangyari sa kanya nitong nakalipas na mga araw.
Hindi niya maiwasang pumasok sa isipan niya ang boss niya. Si Levi. Sino ba ang hindi? Eh dito siya sa loob ng elevator na ito hinalikan ng binata kanina. Hindi parin niya makalimutan ang nangyari sa kanila noong gabing iyon. Ang pinagsaluhan nila.
She shook the thought off her head. Alam niyang hindi niya dapat maramdaman ang ganito. Hindi pwedeng magkagusto siya sa boss niya. Kasi sa ganung klase ng lalaki, lahat ng babae may expiration date. And he can flirt with anyone and anything, biotic or abiotic. Kahit yata punong nakasuot ng palda papatulan ng mga lalaki.
Tumunog ang elevator at bumukas ang pinto. Pagod siyang naglakad papalabas ng building. Naglalakad lang siya mula sa office. Malapit Lang naman kasi ang apartment niya rito. Mga limang kanto lang or so. Ang too para sa iba malayo talaga. Pero sayang ang pamasahe eh. Isa pa parang exercise na rin 'to.
Akmang lalabas na sana siya ng pintuan nang may pamilyar na Bose's na tumawag sa pangalan niya.
"Noeme!"
Tumalikod siya at nakita para tingnan Kung sino ang tumawag sa kanya.
"S-sir Levi?" Napatingin siya sa binatang lakad takbo papunta sa kanya. "May kailangan po ba kayo?"
Habol nito ang hininga habang nakaharap sa kanya. "Umm.. ihahatid na kita."
"Ahm. Ayos lang po ako. Kaya ko na."
"Please?" He looked at her pleadingly.
Nakokonsensya din naman siya dahil palagi niya itong tinatakbuhan. Napabuntong hininga nalang siya bago sumagot. "Fine. Gusto mo 'yan eh."
"Yes!". Hinila siya agad ni Levi papunta sa parking lot. At pinagbuksan ng pinto papasok sa kotse. Saka umikot at sumakay sa driver's seat. Agad nitong binuhay ang makina ng sasakyan at pinausad. Hindi niya na sinabi kung saan ang daan papunta sa bahay niya. Alam na naman siguro niya 'yon.
BINABASA MO ANG
After a Crazy Girl
RomanceNoeme Garcia was always described by everyone around her as crazy. Well, they could right. Then a dare from her friends one crazy night introduced her to Levi Madrial whom she did not know was her boss. He falls madly in love with the Crazy girl.Per...