Natapos naman ng matiwasay ang unang linggo ni Noeme sa trabaho. Naging mabuti Naman ang pakikitungo ng lahat sa kanya. Napaka welcoming. Maliban nga Lang sa Miss Chelsea na 'yon. Napaka possessive kay sir Levi. Akala mo naman sila. Hindi naman. Pumupunta lang naman yun sa opisina nila para landiin ang boss nila. Ba't nga ba siya naiinis?
Naging matiwasay ang lahat. Maliban lang sa part na kailangan niyang iwasan si Levi. Nagtatago siya tuwing nakikita niya ito. Mahirap na. Baka maulit ang mga bagay bagay.
Bigla nalang nag-replay sa utak niya ang pag-halik sa kanya ni Levi. Pilit niya 'yong binubura sa isip niya pero, hindi mawala.Kahit na matagal-tagal naring nangyari yon. Mga four days, three hours, and.... Bakit nga ba niya binibilang? Swerte Naman ng hayop na yon. Iniisip niya kahit hindi naman siya iniisip. Nabilang niya rin kaya?
"Uy Noeme!" Nagulat Siya. Si Hannah pala 'yon na kanina pa sa tabi niya.
"Oh. Andyan ka pala. Sorry di ko napansin."
"Aba! Sa ganda kong 'to. Di mo ako napansin?" Wari nagulat na kumento ng kaibigan niya."Ahm. Ang lakas ng hangin dito sa backstage no?" Biglang singit ni Kamille.
Weekend ngayon kaya nasa club Estival sila. Pagmamay-ari ito ng kaibigan nila na si Miss Summer. Ini-spanish lang ang pangalan niya.
Tuwing sabado ng gabi kasi, suma-sideline sila mga kaibigan niya sa pag-kanta dito. Sayang din ang bayad. Pangkain nadin yun.
"Ang dami atang tao ngayon ah." Bigla siyang kinabahan. Kadalasan kasi wala namang masyadong crowd pag sabado.
"Ayos lang yan." Ani Kamille.
"Tara na." Aya ni Hannah.
"Ano pang hinihintay natin?" Tanong ni Alex. Ang kaibigan ni sir Levi. Siya ang pansamantala nilang lead guitarist ngayon.
Ayon kay miss Summer, absent daw si Fritzy, yung original nilang lead guitarist. Kaya naman, pinakilala nito sa kanila ang proxy. Si Alex, na kinaiinisan talaga sa hindi malamang dahilan ni Hannah. Sobrang inis nga nito nang malamang absent si Fritzy. Sabi niya kukurutin niya ang singit nito kapag nagkita sila."Hinihintay nating tawagin tayo sa stage." Singhal ni Hannah sa binata. "Bakit nga ba andito ka?" Pagalit na tanong niya.
Tinawag na sila sa stage.
" 'Cause I'm your lead guitarist, Baby." Kumindat pa ang lalaki kay Hannah bago nauna nang maglakad sa stage.
Nanlaki naman ang mga mata ng kaibigan niya saka tumalim ang tingin sa binata.
Sinadya niyang sagiin ang balikat ng kaibigan bago sinabihang, "Mamaya ka na kiligin. Tara na. Sayang ang bayad." Saka nilampaaan niya ang kaibigan at dumeretso sa microphone sa gitna ng stage. Nagmamartsa Naman sa inis na sumunod sa kanya ang kaibigan.
Si Hannah ang nasa keyboards, si Kamille naman ang drummer nila. Habang siya, dahil wala naman siyang instrumenting alam tugtugin, at medyo nabiyayaan Naman siya ng bises, siya ang vocalist.
Karamihan sa mga audience nila ay mga kababaihan. Mukhang si Alex ata ang pakay ng mga ito. Ba't naman Kasi pati mga kaibigan ni sir Levi ay kapwa niya gwapo?
Nagsigawan ang mga kababaihan sa crowd nang magsimula na silang tumugtog ng kantang My happy ending ni Avril Lavigne. Mas lumakas pa ito nang simulan ni Alex ang pag kaskas sa electric guitar na mas nagpa-astig sa beat ng tugtog.
"Alex! Ang hot mo!"sigaw ng isang babae mula sa audience."Waah! Alex!" Sigaw ng ilan mula sa ibaba. Mulhang si Alex nga lang ang dahilan ng pag-punta nila dito.
Walang pakialam si Noeme sa kanila. Basta't magpapadala siya sa beat ng musika. Isa siyang rockstar ngayon.
Oh, oh, oh, oh
Oh, oh, oh...
Let's talk this over
It's not like we're dead.
Was it something I did?
Was it something you said?
BINABASA MO ANG
After a Crazy Girl
RomanceNoeme Garcia was always described by everyone around her as crazy. Well, they could right. Then a dare from her friends one crazy night introduced her to Levi Madrial whom she did not know was her boss. He falls madly in love with the Crazy girl.Per...