CHAPTER 2

2K 41 0
                                    

[CHAPTER 2]

ZEUS POV

Nandito kami sa veranda, nakayakap ako kay Cassandra nasa likod nya ako at hinahaplos ko ang tyan nya.

"Ang sama, sama nya Zeus pinagmumukha nya sa amin na walang kaming kwenta"naiiyak na sabi ni Cassandra dahil sa pang-iinsulto na binitiwan ni Maxine sa mommy ni Cassandra.

"Tama na hayaan mo sya"sabay haplos ko sa tyan nya.

Si Cassandra ang naging karamay ko sa lahat nang bagay, hindi nya ako iniwan hindi tulad na ginawa ni Maxine.

Mahirap para sa akin na makalimutan si Maxine at hindi naging madali dahil sya ang First Love ko pero anong magagawa kung sinaktan nya ako at iniwan.

Bumalik ang lahat nang alaala sa akin kung paano nya ako pinahiya at sinabi ang mga katagang nagpaguho sa mundo ko.

FLASHBACK

"Please Marry Me, Maxine Salvador"nakaluhod ako at hinihintay ang sagot nya.

"Ano bang sinabi ko sayo Zeus wala na tayo ayoko na pagod na ako"sigaw nya pinagtinginan kami nang mga tao dito sa loob nang restaurant, tinalikuran nya ako kaya naman ay tumayo ako at hinabol sya.

"Maxine"sigaw ko pero nakasakay na sya sa Taxi.

Hinabol ko sya kaya naman sa hindi inaasahan ay na banga ako.

Akala ko sa paggising ko dahil na comatose ako nang 3 months akala ko nandito sya at babantayan nya ako pero nagkamali ako.

Kahit nahihirapan ako ay pinuntahan ko sya umuulan non.

"Maxine"sigaw ko sa apparment nya, bumukas ang gate at niluwa nito si Maxine na naka Robe lamang at May payong.

"Anong ginagawa mo dito"inis nyang sabi sa akin lumuhod ako sa kanya at nag makaawa.

"Please wag mo akong iwan Maxine hindi ko kaya please"pagmamakaawa ko pero hindi nya ako pinakinggan

"Umalis kana ano bang hindi mo maintindihan"sigaw nya sa akin, umiyak ako sa harapan nya at nagmamakaawa.

"Hindi na kita mahal at wala na akong nararamdaman para sayo"sigaw nya sa akin, unting-unti akong nanghina dahil sa mga sinabi nya.

"Hon ano ba yan"isang lalaki na naka Robe din.

"Nothing hon"sabi ni Maxine at sinarado ang gate.

Bakit Maxine ganun na ba kadali sayo na iwan ako at ipagpalit.

END OF FLASHBACK

Ngayong ko lang na isip na sobrang makasarili nya at walang pakialam sa mga taong nasasaktan nya.

Nandito parin yung sakit pero dahil kay Cassandra at sa magiging Baby namin ay pipilitin kung magpatawad.

Para sa ikakabuti nang lahat.

THIRD PERSON POV

SOBRANG sakit ang nararamdaman nang dalaga sa mga oras ngayon, akala nya ayos na pero hindi pa pala, sobra syang nasaktan hinihiling nya nasa panaginip nalamang ang lahat. Sana magising na sya sa bangungot na ito pero kahit anong sampal na gawin nya sa sarili nya ay hindi sya nagigising.

Hindi nya alam kung anong gagawin nya sobrang nahihirapan na sya huli na ang lahat para mabawi nya si Zeus dahil magiging ama na ito sa Stepsister nya.

Nilagok nya ang beer, nahihilo narin sya mag isa lamang syang umiinom sa maingay na Bar ganito palagi madalas ang buhay nya iinom nalang sya kaysa mag mukmok sa kwarto nya at iiyak.

Pumunta sya sa Center Stage para sumayaw naging maingay ang Bar dahil sa kanta. Tinaas nya ang dalawang kamay nya at pumikit sya at ginalaw nya ang kanyang katawan sumasabay ang kanyang katawan sa indayog nang kanta.

Naramdaman nya nalamang na may pumulupot sa likod nya at ramdam nya ang hininga nito sa kanyang leeg, Sanay na sya sa mga taong ganito dahil hindi maiiwasan sa Bar ang ganito.

Mas lalo lamang syang gumiling sumabay narin ang lalaki na nasa likod nya, hinirap nya ito at ngumiti sya sa lalaking ito. Unting-unting lumalapit ang mukha nang binata sa mukha nang dalaga, ilang pulgada nalamang nang may biglang sumuntok sa binata, nagkagulo ang Center Stage, nawala ang kalasingan nang dalaga nang mapagtanto nya kung sino ang sumusuntok sa binata.

"Zeus"bulong nang dalaga, tumigil ang binata at tumingin ito sa kanya nanlilisik nag mga mata nito agad syang hinila nito palabas nang Bar.

"Aray ang sakit Zeus"reklamo nang dalaga dahil sobrang higpit nang pagkakahawak nang binata sa pulsunan nang dalaga, hinila sya nang binata sa parking lot at nang marating nila ang parking lot ay agad syang sinandal nito sa pader.

"Aray"sabi ng dalaga, kinorner naman sya gamit nang dalawang kamay nang binata, nakatitig ito sa kanya pero hindi nya magawang tignan ito pabalik.

"Tama nga ang mommy mo-"napatawa naman ang dalaga dahil sa sinabi nang binata.

"Mommy hindi ko yun Ina, Mistress sya nang daddy ko"sigaw nang dalaga, tinignan sya nang masama nang binata dahil naiinis sya sa dalaga dahil wala itong respeto.

"Mommy mo sya"sigaw nang binata nagulat nalamang ang binata nang sinampal sya nito at dinuro-duro.

"Hindi ko sya mommy dahil matagal nang patay ang mommy ko"sigaw nya, nagulat naman ang binata nang makita nya ang dalaga na may luha na lumalandas sa pisngi nito, wala sya sa katinuan nang niyakap nya ang dalaga. Basta nararamdaman nang binata na bigla nalamang syang nasaktan nang makita ang dalaga na umiiyak sa harapan nya.

MoonLoverPrincess2

DON'T FORGET TO VOTE

SUBSTITUTE WIFE [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon