[CHAPTER 13]
MOTHER OF MAXINE POV
APAT na taon narin simula nang manganak si Maxine hanggang ngayon hindi parin sya nagigising.
Comatose sya ngayon dahil hindi nya kinaya ang panganganak at mas matindi pa dahil sa pagbubuntis nya ay napahamak ang kalusugan nya.
"Madam"tumingin naman ako kay Atasha.
"Ano yun?"sabi kolumalapit naman ito sa akin at may binigay na isang folder.
"Ano to?"sabi ko
"Nakasaad sa documents na yan Madam na tuluyan ng bumagsak ang company ng dating asawa nyo at syempre naghirap narin sila balita ko iniwan narin sya ng mistress nya"napangiti naman ako sa magandang balita.
"Tama lang yun kulang pa yun dahil sa pagpapahirap nila sa anak ko lalo na yung bruhang kabit ng asawa ko yung tungkol kay Zeus Sanchez?"sabi ko bumuntong hininga ito.
"Madam sobrang hirap na ipatumba sya dahil marami syang koneksyon lalo na nasa panig nya ang mga Estrada na kilala sa pinakamanatik sa negosyo" Mahirap talagang pabagsakin ang pamilya nya.
Si Hector Estrada ang pinakamatalino at pinakamanatik pagdating sa negosyo hindi sya madaling isahan at ganun din ang Ama ni Zeus na si Cloud Sanchez.
Pero hindi dapat ako sumuko kailangan kung ipatumaba sila.
"Mamita"napatingin naman ako sa apo ko 3 years old na sya pero hindi halata dahil sobrang matured nang utak nito kuhang kuha nya ang itim na mata sa kanyang ama na parang little version sya ni Zeus.
Ang pangalan nya ay Zacarias Salvador Sachez, yes gusto ni Maxine na ikabit sa anak nya ang apelyido ni Zeus wala naman akong magagawa don dahil yun ang gusto ng anak ko.
"Ano yun apo?"sabay kandung nya sa akin.
"Mamita kailan magigising si mama?"ngumiti nalamang ako.
"Hindi ko alam apo pero sana gumising na ang mama mo"sabay haplos sa mukha ng anak ko.
Nandito kami sa California binago ko ang identity ni Maxine para hindi sya mahanap ni Zeus.
ZEUS POV
Lumipas ang apat na taon at dalawang linggo wala akong ginawa kundi ang uminom dahil hindi ko mahanap ang mag ina ko.
Kamusta na kaya si Maxine at ang anak ko nasaan na kaya sila.
Wala akong balita sa kanila dahil hindi ko sila mahanap sobrang hirap nilang hanapin linibot ko na nag buong mundo pero hindi ko sya makita at walang kahit isang impormasyon akong nalalaman tungkol sa kanya.
Pinahirapan ko muna sa mga kamay ko si Cassandra bago ipakulong hindi ko pa nadadakip ang g*gong lalaki nya at pagnakita kami sisiguraduhin kung papatayin ko talaga yun.
Naiwan dun ang anak nila sa akin pero wala akong oras para alagaan sya dahil na iinis ako sa pagmumukha nya at presensya nya alam kung sobrang mali na idamay ko ang bata dito pero hindi ko lang talaga magtimpi ang galit ko sa magulang nya.
Dahil niloko nila akong lahat hindi lang bwisit na lalaki ni Cassandra ang nag plano nito kundi ang ina pa ni Cassandra kaya naman nung nalaman ni Tito ang ama ni Maxine ay pinalayas nya ito dahil matagal na daw itong nagtitimpi sa ina ni Cassandra.
Pareho kaming nag sisi ni Tito sa ginawa namin sa taong mahal namin.
Hindi ko rin alam kung sino ang nagpabagsak sa company ni tito at tulad ko rin may gustong magpabagsak sa akin pero dahil sa tulong ni Tito Hector ang kaibigan ni daddy ay walang gustong bumunggo sa amin dahil kilala si Tito Hector sa pinakamatanik pagdating sa negosyo at ganun din si Daddy.
BINABASA MO ANG
SUBSTITUTE WIFE [COMPLETE]
RomanceWala akong ginawa kundi mahalin sya pero tanging panunumbat lamang ang naririnig ko sa kanya, alam ko na kasalan ko ang lahat kung bakit nasira ang buhay nya at nawala ang anak nya pero deserve ko ba lagi maramdaman ang hirap sa mga kamay nya. Maha...