CHAPTER 7

1.5K 33 0
                                    

[CHAPTER 7]

"Mama please wag po wag nyo akong iwan dito lang kayo sa tabi ko hindi ko kaya please mama wag nyo po akong iwan uuwi na si daddy please lumaban kayo mama, mama hindi ko kaya please mama, MAMA WAG"napabangon naman ako dahil sa masamang panaginip.

"Bakit ngayon ko lang ulit napanaginipan ang tungkol kay Mama"bulong ko sa sarili ko, tumingin naman ako sa orasan.

"Alas-tres palang pala"pinunasan ko ang mga pawis ko.

"Ngayon ko lang ulit ito napanaginipan ang tungkol sa pagkamatay ni mama"tumulo naman ang luha ko dahil bumalik ang lahat sa akin kung paano pinili ni daddy ang mistress nya kaysa kay mama.

FLASHBACK

"Hon naman wag mo naman gawin ito sa amin mahal kita, paano na si Maxine?"naiiyak na sabi ni mama, nandito ako sa kwarto ko, nag aaway sila sa may sala, pinipigilan ni mama na umalis si daddy.

"Sorry"yun lamang ang sinabi ni daddy at tuluyan nya na kaming tinalikuran.

"Babe"sabay halik ni Zeus sa pisngi ko.

"Babe naman"bulong ko sa kanya pero hinapit nya ako para mas lalo lamang dumikit sa kanya kaya naman kinirot ko sya.

"Tinignan mo nakuha ko ang Latin Honor"niyakap ko naman sya dahil sa sinabi nya, highschool kami nung pumasok kami sa isang relasyon, grade 11 nung nililigawan nya ako at naging boyfriend ko sya 6 years na kaming dalawa.

"Masaya ako para sayo"sabay haplos ko sa pisngi nya hinalikan nya naman ako sa labi, kinurot ko naman sya.

"Aray naman babe"pagrereklamo nya

"Tigilan nyo na yan"sigaw nila pero tumawa lamang sya at niyakap ako ulit.

"Babe"sabay haplos nya sa pisngi ko.

"Hmmm"sabay pingot ko sa ilong nya.

"Pagnaging successful ako papakasalan na kita"sabay halik nya sa noo ko.

"Talaga?"

"Oo naman babe basta hindi mo ako iiwan"sabay yakap nya nang mahigpit sa akin.

Sobrang saya ko dahil bukas na ang graduation ko, pagbukas ko nang pinto na abutan ko si mama na umiinom nang alak kaya naman tumakbo ako patungo sa kanya at inagaw ang alak pero nilayo nya ito sa akin.

"Mama tama na"pero tumawa lamang sya nang mapait.

"Maxine iniwan na tayo nang daddy mo sumama na sya sa Mistress nya, iniwan nya na tayo"niyakap ko naman si mama at umiyak ako at ganun din sya.

"Anak alagaan mo ang sarili mo"sabay haplos nya sa pisngi ko.

"Mama"naiiyak kung sabi.

"Excited ka na sa Graduation mo?"tumango naman ako.

"Mama gagawin ko ang lahat para maging mahusay akong singer tulad mo mama"ngumiti naman sya sa akin.

"Susuportahan kita anak"sabi nya

"Anak paabot naman nang gamot ko"sabi nya kaya naman tumayo ako at hinanap ang gamot nya at binigay sa kanya, ngumiti naman sya sa akin.

SUBSTITUTE WIFE [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon