CHAPTER 6

1.5K 32 2
                                    

[CHAPTER 6]

THIRD PERSON POV

Natatakot ang dalaga dahil ngayon nya lamang naranasan ang makulong, sa isang madilim na kwarto tanging sya lamang ang nandito, bumalik ang lahat na masasakit na nagyari sa kanya kung paano sya umiyak dahil sa pagkawala nang mommy nya at hindi manlang sya pinuntahan nang kanyang daddy nung gabi na mag isa syang umiiyak sa pagkamatay nang mommy nya. At ngayon mag isa na naman sya sa isang madilim na kwarto tanging iyak lang ang maririnig sa bawat sulok nang kwarto.

"Bakit ako wala naman akong kasalanan"bulong nya sa sarili nya bumakas ang pintuan kaya naman ay nasilaw sya sa ilaw, tatlong araw na syang nandito sa kulungan.

"Kainin mo yan"sabay tapon nang pagkain sa kanya, tiniis nya ang lahat, lagi syang sinasaktan sa loob nang kulungan may nag-uutos daw nasaktan sya at parusahan tinatanong nya naman ito pero tanging sampal at suntok lamang ang kanyang natatanggap.

Pinunasan nya ang kanyang mga luha, hindi manlang sya binisita nang kanyang daddy hinihiling nya nalamang nasana mamatay nalang sya dahil ano pang silbi ng buhay nya kung lahat nang tao na pinapahalagahan nya ay pinagtabuyan na sya at iniwan.

"Diyos ko kunin nyo na po ako hindi ko na kaya"bulong nya sa kanyang sarili, nilalamig din sya walang kama, unan at kumot, isang kwarto na walang laman.

Isang malamig na tubig ang nagpagising sa kanya, minulat nya naman ang dalawang mata at nakita nya naman ang dalawang babaeng pulis.

"May bisita ka"sabi nang pulis, dahan dahan syang tumayo, dahil sobrang sariwa pa ang kanyang mga sugat at pasa sa katawan nya.

Paika-ika syang maglakad, pumasok sila sa isang kwarto at doon nya nakita ang kanyang inaasam na makita.

"Zeus"sabay takbo nya at niyakap nya ang binata ngunit tinulak lamang sya nito, tinapunan lamang sya nang masamang tingin dahan dahan syang tumayo at umupo sa tapat nang binata.

"Nandito ka dahil naniniwala ka sa akin?"masaya nasabi nang dalaga ngunit tumawa lamang ang binata.

"Sa tingin mo yan ang dahilan kung bakit pinuntahan kita"sigaw nang binata natahimik naman ang dalaga.

"Bakit ayaw nyo bang maniwala hindi ko magagawa yun"naiiyak na sabi nang dalaga.

"Sa tingin mo maniniwala kaming lahat sayo"sigaw nang binata.

"Hindi lang asawa ko ang pinatay mo kundi anak ko din"sabay hampas sa lamesa nang binata, umiyak na naman ang dalaga.

"Nandito ako dahil tinakwil kana nang mga pamilya mo"naiangat nya na naman ang kanyang ulo.

"Hindi yan totoo"naiiyak nyang sabi

"Sa tingin mo nagbibiro ako tinakwil ka nila dahil KRIMINAL ka"isang malakas na sampal ang natanggap nang binata sa dalaga.

"Isa lang ang bagay ang dapat mong gawin sabay tayong pupunta nang impyerno"sabi nag binata may nilabas na isang papel ang binata at ballpen.

"Ano yan?"naguguluhan na sabi nang dalaga.

"Mula ngayon substitute wife na kita para mabayaran mo ang lahat nang kasalanan mo sa pamilya mo dahil kung hindi mo gagawin yun mawawala nang parang bula ang pinag-iingatan nang company nang daddy mo"pagpapaliwanag nang binata.

"I'm sorry"sabi nang dalaga.

"Hindi! okay lang may kasalanan rin ako dahil hindi ko sya sinamahan, pirmahan mo sabay tayong pupunta nang impyerno Maxine! let's both go to hell and suffer the consequences"naiyak naman sya sa sinabi nang binat  nanginginig nyang hinawakan ang ballpen nang mapirmahan nya na ito isang patak nang luha ang pumatak sa huling pirma nya.

MAXINE POV

Tatlong araw ang nakalipas naging impyerno nga ang buhay ko sa loob nang mansion ni Zeus, palagi nya akong sinasaktan at sinasabihan nang mga salitang hindi naman totoo yun ang salitang KRIMINAL.

Nabalitaan ko rin na tinakwil na talaga ako ni daddy kaya naman hindi ko nagamit ang apelyido ni daddy kundi kay mommy na. Pero dahil kasal ako kay Zeus, ang buong pangalan ko ngayon Maxine Smith Sanchez.

Walang oras at araw na hindi ipagmumukha sa akin ni Zeus na wala akong kwenta tulad ngayon sinaktan nya na naman ako dahil, sinabunutan ko ang babae nya.

Palagi sya nagdadala nang babae, dito sa pamamahay namin etse pamamahay nya lang pala.

"Hoy Kriminal ano nakapaghanda ka ba nang makakain namin?"sigaw nya, yan ang tawag nya sa akin KRIMINAL hindi Maxine.

"Malapit na maluto ito Zeus"masaya kung sabi.

"Babe nagugutom na ako"malanding sabi nang Babae kung buhusin ko kaya ito sa pagmumukha nya.

"Itapon mo nalang yan doon na kami sa labas kakain"sigaw ni Zeus at umakyat na sya kasama ang babae nya, pinatay ko ang stove, pinunasan ko naman ang mga luha ko.

"Hindi ka pa nasanay Maxine sa kanya"bulong ko sa sarili ko at pinunasan ang luha ko.

Palagi akong mag isa sa tuwing kakain sa dinning table, ayaw kasi tikman ni Zeus ang luto ko, kahit isang bisis hindi ko pa sya nakakasabay sa pagkain.

Nandito ako sa sala at hinihintay sya, nang mag bukas ang pinto at niluwa nito si Zeus na may kahalikan na babae. Ganito nalang ba palagi ang makikita ko araw-araw, ito na naman ang mga luha ko nagbabadya na tumulo sa pisngi ko. Tumigil sila sa paghahalikan napansin siguro ang presensya ko.

"Who is she?"malanding sabi nang babae sabihin mo na asawa mo ako.

"She's no one"nanghina ang tuhod ko sa sinabi nya sabagay ano pa bang aasahan ko nasasabihan nya, binuhat ni Zeus ang babae.

"Baby baka mahuhulog ako"malanding sabi nang babae, tumawa lamang silang dalawa, ako kaya kailan din kaya ako bubuhatin ni Zeus nang ganyan.

Asa ka pa Maxine, pagbuhatan nang kamay baka yun.

MoonLoverPrincess2

DON'T FORGET TO VOTE

SUBSTITUTE WIFE [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon