Prologue

22 2 0
                                    

    Buong buhay ni Zenobia sinusunod nya lahat ng ipagawa ng parents nya, wala syang naging kaibigan dahil ang sabi ng Mommy nya lahat ng tao lumalapit lang sa kanila kapag may kailangan. Spoiled brat kung tawagin ng marami, lahat ng gamit nya branded kahit ang higaan nya. Yun kasi ang turo sa kanya ng ina, marami silang pera kaya dapat lang na bilhin lang nila ay mamahalin. May sariling chef na syang nagluluto ng kanilang pagkain, ilan ang katulong sa bahay na syang nag aasikaso pati ng kanyang paliligo at damit na isusuot. Pero kahit na iyon ang nakalakihan nya, hindi sya sang ayon sa trato ng mga magulang nya sa mga kasambahay nila. Kapag wala ang kanyang mga magulang ay nagpapaturo sya sa mga kasambahay nila ng mga gawaing bahay, yun lang ang paraan nya para kahit sandali ay mamuhay sya ng normal. Maraming naghahangad sa buhay nya, pero hindi alam ng marami na mas gusto nyang mamuhay ng simple. Kaya naman ng minsan lumabas ng bansa ang mga magulang at naiwan sya sa bahay kasama ang mga kasambahay at bodyguards ay tumakas sya, nagpakalayo kahit pa alam nyang ikagagalit ng mga magulang nya, nakatakda na kasi sa susunod na taon ang kasal nya sa anak ng best friend ng daddy nya. Hindi naman nya mahal si Nathan, pinakikisamahan nya lang ito dahil yun ang utos sa kanya ng mga magulang nya.

Bride Series: Love Between The Lies (Zenobia Frazer)Where stories live. Discover now