Chapter 12

10 1 0
                                    

  ISANG LINGGO na mula ng makabalik ng Pilipinas ang newly-wed na sina Ambrose at Zen. Ngayon ay ihahatid sya nito sa bahay ng kapatid nyang si Allizter,  Napagkasunduan nila na sya muna ang kakausap sa parents nya at ito naman ay kakausapin rin ang Mommy nito at Lolo sa mother side. "Are you sure you'll be okey here My Loves?" tanong nito sa kanya matapos ihinto ang sasakyan sa may gate ng village nila.
  
     "Oo naman, sabi ni Mia sa akin hindi naman daw galit sina Mommy sakin." sagot nya dito.
   
     Hindi na ito sumagot dahil kumatok na ang guard ng village. Agad namang binuksan ni Ambrose ang bintana. "Good Morning Sir, saan po kayo?" magalang na tanong nito. Nakilala naman nya ito dahil isa ito sa mga dati ng guard kaya sya na ang sumagot.
  
      "Manong ihahatid nya lang po ako sa bahay." sagot nya sa guard.
   
      "Ikaw po pala yan Maam sige po lakad na po kayo." sagot nito.
  
      "Salamat Manong." sagot ng kanyang asawa bago nagpatuloy sa pag drive.
   
      Maya maya lang ay nasa tapat na sila ng bahay ng kapatid. Nasa labas si Mia at hinihintay sya, pagkatigil ng sasakyan ay agad silang bumaba. Si Ambrose ay kinuha ang gamit nya sa compartment ng sasakyan at sya naman ay lumapit sa hipag.
   
      "Welcome back my favorite sister-in-law!" saad nito sa kanya.
  
      "Ako lang ang hipag mo." sagot nya dito at gumanti ng yakap dito.
  
      "Whatever! Who's with you?" tanong nito.
   
    "He's Ambrose my boyfriend." agad na sagot nya. "Love this is Mia my brother's wife." dagdag pa niya.
   
     "Hello Mia nice to meet you." maikling saad nito.
  
      "Same here, pasok muna kayo at makapag snacks tayo." aya nito sa kanila.
    
     "Kayo na lang, inihatid ko lang talaga si Bea may lakad pa rin ako." sagot ni Ambrose. "I'll be going My Loves, call me agad kapag nakausap mo na ang parents mo." bulong nitosa kanya bago humalik sa kanyang noo at lumakad na pabalik sa kanyang sasakyan.
   
     Kinawayan nya ito at sumenyas naman ito na pumasok na muna sila bago ito umalis.

    Nang makapasok ay agad na naman syang inasar ng hipag. "Ay ang sweet naman ng My Loves mo sister." biro nito sa kanya. "Sure kang mag jowa pa lang kayo?" dagdag pa nito.

    "Inaantok ako, patulog muna ako Ate." iwas nya dito.
 
    "Alas 9 pa lang ng umaga 'BEA' hindi ka ba natulog kagabi? Anong ginawa nyo magdamag nagtitigan?" pang aasar pa nito.

    "Gumawa ng baby." ganting biro nya dito.

    "OMG! Rosalyn must know this, may hindi na virgin dito. Tatawagan ko ang bruha. Wag ka muna matulog kailangan namin ng detailed information sis." sagot nito at iniwan sya para tawagan ang isa pa nyang hipag na si Rosalyn ang asawa ng Kuya Zander nya. Napailing na lang sya, kapag nagsama sama sila sa bahay ay nakikipagsabayan ito sa Daddy nila sa mga kalokohan.

    Maya maya ay bumalik na ito na hanggang tenga ang ngisi. Pagdating sa kalokohan talaga nangunguna ito.
"Ang ganda ng ngiti mo ah." sarkastikong saad nya dito.

    "Naman! Rosalyn is on her way here, mamaya ka na lang namin ihahatid kina Mommy." natatawang saad nito at nag diretso sa kusina. "Dyan ka muna, ilalabas ko lang meryenda natin. Tamang tama nasa school si Ailou at nasa parents ni Rosalyn si Baby Nicole." tukoy nito sa mga anak nila.

    "Oo para makaka irit ka non stop." sagot nya dito.

    "Grabe ka sa akin sis, pero in fairness mas gwapo si Ambrose kesa kay Nathan." dagdag pa nito.

    Hindi na sya sumagot dahil napatingin na sya sa pinto ng marinig na may nagbukas ng gate. Maya maya pa ay pumasok na si Rosalyn at agad na sinugod sya ng yakap. "I miss you sis, Where have you been? Mom, Dad and your brothers are so worried about you, they never stop looking for you." saad nito sa kanya.
   
    "I miss you too Ate, how's my beautiful niece? Sana sinama mo para hindi mag ingay si Mia." pag iiba nya sa usapan.

Bride Series: Love Between The Lies (Zenobia Frazer)Where stories live. Discover now