INIHANDA na ni Zen ang sarili ng ianunsyo ng piloto na lalapag na ang eroplanong sinasakyan nila. Ayaw pa sana nyang bumalik ng Pilipinas pero nakiusap na ang Daddy nya na manatili na lang sila sa bansa, at sino naman sya para tanggihan ang ama na sa kabila ng mga pagkakamali nya ay tinanggap pa rin siya.
Nag umpisa ng maglabasan ang mga pasahero ngunit siya ay nanatiling nakaupo, ayaw nyang makipagsiksikan sa paglabas ng mga tao. Lalo pa at may kasama syang bata. Athanasius is her five year old son, mula ng umalis siya ng Pilipinas six years ago ay ngayon lang siya babalik. Nanirahan sila sa Vietnam kung saan nandoon din ang mga pinsan nya sa mother side, hotel owner ang Lolo nya at sa kanilang magpipinsan sila ni Zacheus ang magkatulong na nagma-manage. Mas lamang lang ang trabaho ng pinsan nya dahil ayaw nyang tanggapin ang higher position na inaalok nito.
"Try to smile, Nas." aniya sa anak na nakakunot na naman ang noo.
"I don't want, there's no reason to smile Momma." anito.
"My loves, baka akalain nila snob ka." aniya dito. "Ngiti na, ayaw mo ba talaga dito? Andito sa Pinas ang mga pinsan mo like Kuya Zeke, Ate Ailou, Ate Nicole." dugtong pa niya.
"Kuya Zeke is here? I thought sa Australia sya magpapasko with his Dad."
"Uncle Matt is here also with his new wife and they're spending christmas with us."
Tumayo na sila ng kumonti na ang lumalabas, maya maya pa ay hinihintay na lang nila ang bagahe sa luggage scanner.
"Nas, speak tagalog ha. Nasa Pinas ka na hindi na pwede ang pure English ha." aniya sa anak.
"Ikaw din naman po Momma you're always talk in English." pangangatwiran nito.
"Ngayon andito na tayo hindi na pwede, magagalit si Daddy-Lo." tukoy nya sa ama niya.
"Okey po, sino po ang susundo sa atin?" tanong nito.
Nakuha na nila ang bagahe nila at naglalakad na sila palabas ng may bulto ng lalaki syang nabangga dahilan para muntik na syang matumba mabuti na lang at mabilis na naagapan ng lalaki at nayapos sya sa bewang.
"I'm sorry Miss, I wasn't looking... " natigilan ito na parang kinikilala siya "Zenobia?" tanong nito.
Agad naman nyang nakilala ang binata, si Nathan ang taong nakabangga nya. Nginitian naman nya ito bago hinanap ng maya ang anak at baka nakalayo na ito, mabuti na lang at hindi ito umalis at nakatingin lang sa kanila. "Nathan, good to see you again." aniya dito.
"Me too, I never heard from you for six years. Where have you been?" tanong nito.
"You know him Momma?" tanong ng anak.
"Yes My loves, he's a friend of mine. Call him Tito Nate." sagot nya dito. "Nate this is my son Athanasius." dugtong nya.
"Hello big boy, nice meeting you." saad ng binata at nakipag shake hands dito.
"Same here po, it's nice to finaly meet one of Momma's friend." magalang na sagot nito.
"May sundo ba kayo?" tanong nito.
"Mag taxi lang kami pauwi, hindi alam ni Daddy na ngayon ang uwi namin eh." sagot nya.
"Wag na, ihahatid na namin kayo. I'm sure my wife will be delighted to see you." anito na ikinataka nya dahil bukod sa hindi nya alam na nag asawa na ito ay bakit parang kilala sya ng asawa nito."This way big boy, I want you to meet my two lovely daughters." dugtong pa nito, sumunod na lang sila na nagtataka.
YOU ARE READING
Bride Series: Love Between The Lies (Zenobia Frazer)
RomanceZenobia's whole life she obeys everything her parents ask her to do. She had no friends except for her older brother's girlfriend and their maids daughter, she did not go to a normal school. Her mother hired private tutors for her since she was a ch...