MAY KALAHATING ORAS ng gising si Zen ay hindi pa rin sya lumalabas ng silid, hinihintay nyang puntahan sya ni Ambrose dahil nahihiya sya lalo na sa step-mom nito na kaibigan pala ng mommy nya at kilala a sya nito. Ite-text na sana nya si Ambrose na gising na sya ng marinig nya may kumakatok sa pinto, sa pagaakalang si Ambrose na ito ay madali syang tumayo para buksan ang pinto pero hindi si Ambrose ang naroon kundi ang step-mom nito.
"Expecting someone?" nakangiting biro nito.
"Hindi naman po, palabas na rin po sana ako para hanapin si Ambrose." sagot nya.
"Umalis sila ng Dad nya, may emergency sa power plant nila hindi na nakapag paalam pa ni Ambrose sayo kasi ng silipin ka daw nya natutulog ka pa, ibinilin ka na lang nya sakin. " sagot nito. "Halika na sa baba mag meryenda tayo, ikaw pala nag bake ng cookies na dala nyo?"
"Opo." maikling sagot nya habang pababa sila ng hagdan.
"How's your Mom? Paano ka nakatakas?" tanong pa nito.
"Out of the country po sila ng umalis ako, binisita nila si Ate Rosalyn na nanganak sa panganay nila ni Kuya Alex." sagot nya dito.
"Nag asawa na pala si Alex. Ang tagal na rin ng huli kami magkita ni Amy mula yun ng mag settle na kami ng Tito mo dito sa Ilocos. Ano bang reason ng pag lalayas mo? Your mother will go crazy kapag nalaman nya naglayas ka, I remember the time when Alex got kidnapped hindi namin mapakalma ang Mommy mo, even you and Allis she want to make sure na nakikita nya lang kayo. Kaya naman hindi tumigil ang Daddy mo hanggang hindi naibabalik ang kuya mo, dahil para sa kanya kayong mga anak nya ay ang pakpak nya, hindi sya magpapatuloy na mabuhay ng wala ang isa sa inyo." paliwanag nito.
"They set me for an arrange marriage, at first it was ok for me. Kaya lang naman po ako naglayas ay para ma-experience ko ang mabuhay ng normal. Nate is a good man, wala naman pong maipipintas sa kanya. But things changed when I met Ambrose. Ayoko na pong magpakasal, bakit si Kuya Allis pinakasalan nya si Ate Mia hindi sila tumutol, Si Kuya Alex at Ate Rosalyn ganun din. Bakit sakin iba? Bakit hindi nila ako hinayaan na maranasan ang naranasan ng iba. All my life, I've never been into a normal school, never go to a mall or amusement park like other kids of my age. And even I get a little older, I'm with the maids ang bodyguars. Other people doesn't know about me."
"Don't ever doubt tgey're love for you dahil lang sa itinago ka nila at hindi ka binigyan ng normal na buhay, ginawa nila yun para protektahan ka. Alam mo ba kung bakit nakidnap ang kuya mo? Dahil yun sa mga kalaban nila sa negosyo, hindi naman yun maiiwasan, gusto nila kayong bigyan ng magandang buhay, magandang buhay na hindi nila naranasan ng mga bata pa sila. Alam mo naman that your parents are both orphan, lumaki sila sa ampunan na para makakain sila kailangan muna nilang magbanat ng buto. Ayaw nila na maranasan nyo yun, please understand your parents they only wants what they think is best for you. Talk to them and tell them na iniuurong mo ma ang kasal, and tell them what you want to do in your life ask for their permission. They are still your parent and they love you mi reinita.
Para namang isang eksena sa pelikula ang nakita ni Zen, isang batang babaeng naka pink dress kausap ang ginang na nasa harap nya. "Your birthday is coming mi reinita, what gift you want from Mama-ninang?" tanong ng ginang. "Can I have Ice cream instead of gifts Mama? They don't want me to have it po kasi, mag swolen daw po ang throat ko pag nag eat ako ng ice cream." saad ng batang nasa anim na taon. "Sure, mi reinita I will give you Ice cream if you promise to drink plenty of waters so that your throat will not get swolen, okey?" sagot ng kaharap.
"Thank you Mama-ninang." saad nya dito. Gulat naman napatingin ang ginang sa kanya.
"You remembered?" Tanong nito.
"Yes Mama, it's been a long time. I'm sorry if I forgot you Mama." umiiyak na saad nya dito.
"Hey, enough crying na baka bumalik silaisipin ni Ambrose inaaway kita." nakangiting sagot nito.
"Kapag inurong ko po ang kasal, baka mapahamak ang pamilya ko Don Ricardo is a powerful man paano kung hindi sya pumayag o kaya ang maging kapalit ay ang pagsira nya sa lahat ng pinaghirapan ng parents ko." saad nya sa ginang.
"Hindi ka pababayaan ni Ambrose, tingin pa lang nya sayo alam kong mahalaga ka sa kanya, at ibang magpahalaga ang isang Eisenhower."
"Sana nga po, pero kung maari ayaw ko sya madamay sa gulo ng buhay ko."
"Hello ladies." bati ni Ambrose at pareho silang hinalikan sa noo.
"Where is your Dad?" tanong ng ginang.
"Nasa taas na po, sya na daw kukuha ng gamit mo. May pasyente ka daw manganganak?" tanong ng binata.
"Oo, kaya bahala na kayo dito bukas na kami uuwi. Ipagluto mo si Bea ng dinner nyo." bilin nito.
"Sure Ma, ingat kayo." paalam nila sa mga ito.
YOU ARE READING
Bride Series: Love Between The Lies (Zenobia Frazer)
RomanceZenobia's whole life she obeys everything her parents ask her to do. She had no friends except for her older brother's girlfriend and their maids daughter, she did not go to a normal school. Her mother hired private tutors for her since she was a ch...