Chapter 4

11 2 0
                                    

  ABALA si Ambrose sa mga papeles na kailangan nyang review-hin at pirmahan ng may kumatok sa pinto ng kanyang opisina, maya maya lang ay pumasok ang secretary nya kasunod ang kanyang inang si Kayleigh Henderson. Hindi ito kasal sa kanyang ama at hindi na sya nagtaka sa ugaling meron ito wala talagang nakakatagal dito.
    "Sir, Im sorry. Nagpumilit po si Ms. Henderson na makausap kayo." saad nito, naibilin nya kasi dito na wag syang abalahin dahil tambak ang trabaho nya dahil hindi sya nakapasok kahapon dahil sinamahan nya si Bea. Ang bagong boarder ng Ninang Soleng nya. Sinenyasan na lang nyang iwan na sya nito.
    "What do you want mother?" tanong nya dito.
    "Fire her now son, Doesn't she knows who I am?" mayabang na saad nito.
    "I asked her not to let you in, Doesn't you heard she called you 'Ms. Henderson. I'm busy so spill what you came for." sagot nya dito.
    "Naglayas ang fiance ng uncle mo, so dapat maunahan mo syang magpakasal para sa atin mapunta lahat ng yaman ng mga Henderson." sagot nito.
    "Bakit hindi na lang ikaw ang magpakasal? Hindi naman ako interesado sa yaman nyo."
    "How dare you? I'm only doing this for you. Wag kang gumaya sa tatay mong walang pangarap na umangat sa buhay." galit na saad nito.
    Natawa na lang sya, hanggang ngayon hindi pa rin alam ng Mommy nya ang totoong katauhan ng Daddy nya, akala kasi nito ay mahirap lang ang Daddy nya naaksidente kasi ito noon at hindi agad nakabalik sa totoong pamilya dahil sa wala itong maalala kaya naman ng hindi na makayanan ng kanyang ina ang kahirapan kasama ang ama ay umalis ito kasama sya. Hindi nito alam na limang taon na mula ng magkita uli sila ng ama, at gamit na nya ang totoong apelyido ng ama at sya na rin anh namamahala sa ibang negosyo ng pamilya nito. "Until now you had no idea what you've lost mother. My father is richer than your parents. Why don't you search for Theodore Eisenhower? Thats his real name." sagot nya dito.
    "Not because his last name is Eisenhower means that he is rich, kung mayaman ang ama mo bakit hanggang ngayon empleyado ka pa rin ng uncle mo?" nanghahamong saad nito. "I already talked to Casey's parents, last sunday of the month ang engagement party nyo." dugtong pa nito.
    "I actually called Uncle Nathan and told him about my resignation, at kung ikakasal man ako hindi ikaw ang mamimili ng pakakasalan ko." sagot nya dito. "And before I forgot Dad is inviting you to their renewal of vows with Aunt Amanda." asar nyang saad dito.
    "I already told you to stay away from that bitch, he stole your father from me." galit na saad nito. Aunt Amanda was her mothers best friend, pero dahil ito ang nakasama ng Daddy nya sa panahong nasasaktan ito sa pang iiwan ng ina ay hindi napigilang mahulog ang damdamin sa isa't isa. Si Amanda rin ang dahilan kaya nahanap ang Daddy nya ng mga magulang nito.
    "Hindi ka inagawan, iniwan mo si Daddy remember? Isinama mo pa ako na dapat hindi na lang, Aunt Amanda is way nicer than you. You loved him pero hindi mo kayang mabuhay ng wala ang yaman ng pamilya nyo." may hinanakit na saad niya.
    "Kahit ano pang sabihin mo hindi pa rin mababago na isa kang Henderson at susunod ka sa gusto ko." galit na saad nito bago patabog na lumabas ng opisina nya.
   Nahilot na lang ni Ambrose ang noo nya, lagi na lang silang nagtatalo ng ina sa tuwing magkikita sila. Ibinalik na lang nya ang atensyon sa kanyang ginagawa, kailangan nyang matapos agad yun para sa papalit sa kanya.

    PAPASOK na sana sa kanyang unit ng marinig nya ang tili sa katabing unit nya kaya naman agad nyang pinuntahan at buti na lang bukas ang pinto kaya madali syang nakapasok. At nakita nya si Bea na nagluluto na tili ng tili dahil sa mga pilantik ng mantika.
   "Balak mo bang gisingin lahat ng boarders sa baba sa lakas ng tili mo?" natatawang saad nya dito.
    "You! It's your fault." umiiyak na saad nito habang hawak ang namumulang braso.
    "Why me?" takang tanong nya at nilapitan ang stove para patayin ang apoy. "Dapat kasi low-fire lang pag mag pi-prito ka. Let me check your arms." saad nya dito.
    "I'm craving for fried chicken that's why I googled how to cook it, wala naman kasi yung nagsabi na tuturuan ako magluto." umiiyak pa ring saad nito, habang ginagamot ng binata ang mga paso sa braso ni Bea.
    "Last day of work ko po kasi ngayon, vacation muna ako ng one month so I'm your's for a month baby." biro nya dito. "Mukhang di na makakain ang niluto mo kaya mag order na lang tayo sa jollibee." dugtong pa nito saka kinuha ang phone para tumawag sa fast food.
    "Aalis ka?" nagtatakang tanong ng dalaga.
     "Nope, tatawag lang ako para magpa deliver." sagot nito.
     "Pwede yun?" inosenteng tanong nito.
     "Oo naman. Hindi mo ba napapanood ang tv commercial ni Sarah G. #8700?" natatawang tanong nito.
    "Who's Sarah G?"
    "You really don't know? San ka ba tinago ng parents mo at ang dami mong hindi alam? Do you have an FB? twitter? IG? " tanong pa nito.
   Umiling lang ang dalaga bilang sagot. "I don't have friends, I'm home schooling since I was little." nahihiyang sagot nito. "I only had my yaya's and bodyguards, my parents are always busy outside the country." mahinang saad nito.
    "I'm sorry to hear that, hayaan mo since I'm yours for a month hindi lang cooking tutorials ang i-offer ko sayo, lahat ng gusto mong malaman sa outside world sabihin mo lang." nakangiti ng saad niya sa dalaga.
   "Thank you Ambrose." sagot ng dalaga.
    "No worries, I'm sure Wends is also willing to help you." saad ng binata. "If you don't mind me asking this, Where are your parents?"   
    Natigilan ang dalaga, hindi alam kung sasabihin ba ang totoo o magsisinungaling sa totoo nyang pagkatao.
   "It's okey kung you're not ready to tell. I'm sure you had your reasons."
   "They're busy making money for my future, thats what they always say when I'm asking them." malungkot na saad nito.
    "I'm sorry for asking. Anyway bakit hindi na lang tayo sa jollibee mismo kumain para naman makagala ka?"
    "Next time na lang, order na lang tayo ng food." nahihiyang saad nya dito.
    "Sige, san mo gustong pumunta bukas? I'm sure it's your first time here in San Nicolas kaya pasyal tayo."
    "I want to go to the beach." sagot nito.
    "Then beach we go." sagot nito na agad tumayo ng may kumatok sa pinto. "Andyan na fried chicken mo." natatawang saad nito.
     Agad naman kumuha ng plato si Zen para maihanda ang kakainin nila. Nang makaalis ang delivery boy ay isa isang nilabas ni Ambrose ang inorder na pagkain.
    "Magkano ang babayaran ko sayo?" tanong ni Zen sa binata.
    "Libre na yan, kumain ka na lang." sagot nito.
    "Pero ang dami ko ng utang sayo, yung groceries kahapon ikaw nagbayad tapos sabi mo yung food na lang natin ang bayaran ko kahapon na wala pa naman 1000. Nakakahiya na Ambrose."
   "Malaki naman ang sweldo ko kaya ayos lang yun, kung gusto mo bumawi, bukas bago tayo magpunta ng beach mamili muna tayo ng foods na babaunin natin." suhestyon nito.
    "Why are you doing this? I'm a stranger to you Ambrose."
    "Because I like you Bea, I'm happy when I'm with you. I know na maaga pa para maramdaman ko ito, but I really wanted to be with you always." paliwanag nito.
    Hindi naman makaimik agad ang dalaga, nakatitig lang itosa binata at inaanalisa ang mga sinabi nito.
   "Let me be your boyfriend Bea at araw araw kitang liligawan to show you my true intention. I know I'm fast, but let me be with you while we're getting to know each other. Pleaseee." saad ng binata.
    "Teka lang naman, kanina like lang tapos gusto mo na agad ako maging girlfriend? Hanep sa bilis huh." natatawang saad nya dito, pero ang totoo ay kinakabahan sya. This is her first time na may nagtapat sa kanya, engage sila ni Nathan pero walang feelings na involve kaya naman bago ang lahat sa dalaga.
    "I'm not forcing you na sagutin ako agad Bea, think it first. Maybe tommorrow may sagot ka na.?"
    "Wow! hanep ka manligaw." natatawang sagot ng dalaga.
    "Kumain ka ng marami baby makakatulong yan sa pag iisip mo. Punta na ako sa unit ko para naman makapag isip ka ng mabuti, alam ko naman distracted ka sa kagwapuhan ko, kaya ako na mag aadjust." biro niya dito at iniwan na itong tatawa-tawa.
     Nakangiti siyang naglalakad papunta sa unit nya. Kinuha ang phone at tinawagan ang ama.
    "Hello Son, I'm about to call you. Kamusta ka na?" tanong ng ama.
    "I'm good Dad, Naipasa ko na ang resignation kay Uncle, but I'm planning to have a vacation for a month." sagot nya.
    "Sure, no worries you'll still be the CEO of EGC. I hope you'll visit us here in Pagudpod you're Mama misses you." sagot nito na ang tinutukoy ay ang asawa nitong si Amanda. Mama ang tawag nya dito, hindi lang sa harap ng ina dahil siguradong mas magagalit ito sa madrasta niya.
    "Tell her I miss her too Dad, and I'm coming tommorrow and I have a guest so please tell Nana to prepare the guest room next to my room please." magalang na saad niya.
    "Is this a woman son?" nahihimigan ang biro sa tanong ng ama.
    "No Dad, I'm dating a man." biro nya dito.
     "Whatever it is I'll still accept you Son, but I guess she's beautiful and nice like your Mama Amanda." sagot nito.
     "Of course Dad, she's BEAutiful." sagot nya.
    "I'm excited to meet this Bea, what food does she like? I ask Amanda to cook for her."
    "She's like a baby Dad, so fried chicken and spaghetti will do." sagot nya. "I'll hang up na Dad, say Hi to Mama for me." saad nya bago pinatay ang tawag.

   SA UNIT naman ni Zen ay hindi mapakali ang dalaga, hinintay ang kaibigang si Wendy. Bago sa kanya ang mga nangyayari kaya hindi nya alam ang gagawin.
   "Napano ka naman ganda? Na- empacho ka na ba sa dami ng nakain mo kaya ka ganyan?" tanong ng kaibigang bagong dating.
    "Of course not, Wends what will I do? Ambrose confest his feelings for me, he's courting me and he wants answer tommorrow." paliwanag nya dito.
    "Ay! Hindi naman sya nagmamadali ano?" natatawang tanong nito.
    "This is new to me, I don't know what to answer. Natatakot ako paano kung malaman nya ang real reason why I ran away."
    "You ran away? You're not here to move to a new environment like yoy told us?" nagtatakang tanong nito.
    "I'm sorry, that's not my intention, I just want to escape. My parents set me for an arrange marriage. Lumaki akong laging wala sa bansa o sa bahay ang parents ko, lagi nilang sinasabi na it's for my future. I haven't gone to a normal school, home school ako since I was little that's why I don't have friends. I only had my yaya's and bodyguards. And when they were out of the country yun lang ang panahon para kahit paano mamuhay ako sa gusto ko. Nagpapaturo ako sa gawaing bahay sa mga katulong and beg them and the guards not to tell my parents. And when I reach 20 I told them that I want to work, but instead of letting me do what I want they set me into an arrange marriage. Sa palagay mo ba magugustuhan pa nya ako knowing that I'm a spoiled brat? Or maybe I should tell him para hindi na nya ako like." paliwanag nya dito.
    "Ambisyosa ka ka ganda, base sa kwento mo hindi ka naman spoiled brat. Kasi ang alam ko sa spoiled yung lahat ng gustuhin mo sa parents mo at sa mga kasama mo sa bahay eh ibibigay sayo. Eh hindi ka naman nila pinagbigyan paano ka naging spoiled eh sila ang nasusunod. At wag mong isipin na ma-turn off si Papa A sayo once na malaman nya na may fiance ka na or wala kang alam sa buhay. Ang sarap mo kaya mag bake, maganda ka pa, mabait pa. If he's true to his feelings kahit pa there's a 100 reason not to like you hahanap at hahanap yun ng 1 reason to prove to you that you're worthy of his love. So chear up ganda." paliwanag nito.
    "Thank you Wends, kahit pa bago pa lang tayo magkakilala you treated me nicely. I hope wala ka pagsabihan ng secrets ko, I'm sure my parents are looking for me now. Hindi nila hahayaan na mapahiya sa mga Henderson.
     "Henderson?" tanong nito.
     "Wends my real name is Zenobia Toledo Frazer and I'm engage to be married to Nathan Henderson of Henderson's chains of Hotels and Resort." sagot nya dito.
     Hindi naman makapaniwala si Wendy sa narinig, kilala nya kasi ang lalaking tinutukoy ng kaibigan. At hindi nya maiwasang hindi masaktan, because Nathan was his first love, ex-partner nya ito na iniwan sya dahil ikakasal na pala ito sa iba. Hindi naman nakalampas kay Zen ang facial expression ng kaibigan.
    "Are you okey Wends? May mali na sa sinabi ko?" tanong nito.
    "Oy ano ka ba wala noh! Masyado kasing shocking yang revelation mo. Anyway your secrets are safe with me." sagot nito.
    "I like him too, but do you think it's to early? Kelan lang kami nagkita at nagkakilala." sagot nya.
    "Wala naman sa haba ng panahon na ligawan yan, may alam nga ako ilang buwan ligawan tapos ilang taon nagsama nauwi din sa hiwalayan." sagot nito na sila ni Nathan ang tinutukoy.
    "Have you been hurt Wends? I can see it in your eyes, someone hurted you."
    "Mahal namin ang isa't isa but our relarionship doesn't approved by many, even his family. Iniwan nya ako because he doesn't want his parents to be disappointed again with him." paliwanag nito.
    "I'm sorry to hear that." saad nya sa kaibigan at niyakap ito.
     "Matagal na yun kinalimutan na nya ako kaya dapat lang na limutin na din sya." sagot nito.
     "Change topic na lang para wala ng sad, help me na lang to pack my things, Ambrose and I are going to the beach tommorrow."
    "May date na naman kayo? Hanep ang bilis ni Papa A ha? May humahabol daw ba sa kanya?" biro nito habang nagtitingin sa cabinet nya. "Wow! I never felt so poor in my life. Some of your clothes are soooo expensive, and your sling bag? I just saw one in a magazine and its US275$. Oh my gosh ayoko na magbuklat ng things mo, baka may mawala pa wala pa naman ako pambayad." eksaheradang saad nito at naupo na sa kama.
   "Ang OA naman, sige na help mo na ako I'll give you that sling bag." saad nya dito.
   "No way, baka ma hold-up pa ako sa mahal ba naman nyan." sagot nito.

   
   
   
  
  

   

Bride Series: Love Between The Lies (Zenobia Frazer)Where stories live. Discover now