Matapos makapag withdraw sa bangko ng pera ay tumuloy na si Zen sa sakayan ng bus papunta sa Baguio doon ay sasakay pa uli sya para naman makarating sa Ilocos, doon nya napag desisyonan na magtago sa mga magulang nya, alam nyang madali para sa mga ito ang mahanap sya kaya naman ay pinagplanuhan nyang mabuti ang ginawang paglalayas. Pagdating sa kanyang pupuntahan ay balak na nyang baguhin ang anyo niyang nakasanayan, kasama na doon ang pananamit at kanyang buhok. Namili na rin sya ng mga simpleng damit na sa hinagap ay hindi nya naisip na maisusuot nya. Siguradong kung makikita sya ng ina ay aatakihin ito sa puso.
HAPON na ng makarating si Zen sa San Nicolas agad syang naghanap ng makakainan dahil umaga pa ng huli syang kumain, isang karenderya ang napasukan nya. Matapos mag order ng pagkain ay humanap ng bakanteng mesa. Hindi pa nya alam kung saan sya magpapalipas ng gabi, balak nyang maghanap ng apartment na tutuluyan pagkatapos nyang kumain.
"Here's your order ma'am." saad ng matandang babae na sa hula nya ay may ari ng kainan.
"Salamat po, Nay pwede pong magtanong?" magalang na saad nya dito.
"Oo naman ineng, ano yun? Akala ko pa naman dayuhan ka." nakangiting saad nito.
"Naku hindi po, bagong lipat lang. Sa katunayan nga po iyon ang itatanong ko sana, baka po may alam kayong apartment na pwedeng matuluyan ko."
"Ay oo may pinauupahan ako, dyan lang sa tapat." sagot nito. "Kaya lang ay may halong babae at lalaki ang mga umuupa sa akin, pero may mga sarili naman kwarto, salas at kitchen at cr. Kumbaga isang building lang kayo pero may kanya kanya kayong galawan." paliwanag nito.
"Pwede po bang makita pagkatapos kong kumain?" tanong nya sa ginang.
"Oo naman, andito naman ang anak ko may magbabantay dito. Sige kumain ka na tawagin mo na lang ako pag tapos ka na hija."
"Salamat po Nay."
Ipinagpatuloy na ni Zen ang pagkain, nagutom sya sa mahabang byahe kaya naman mabilis syang natapos sa pagkain maya maya lang ay lumapit na sa kanya ang may ari ng kainan at niyaya sya papunta sa apartment na sinasabi nito.
"Ako nga pala si Solidad ang tawag nila sa akin dito ay Nanay Soleng hija, ikaw anong pangalan mo? " tanong nito.
"Bea po Nay, marami po ba kayong boarders?"
"Bali limang unit lahat may laman na, yung huli lang sa third floor ang wala pa katatapos lang kasi i-renovate noon kasi hindi naalagaan ng dating tumira pero ayos na naman
ngayon." sagot nito. "Dalawang unit sa bawat floor kaya may kapitbahay ka sa unit mo, si Ambrose pero wag ka mag alala mababait naman ang mga boarders dito. May kanya-kanya kayong privacy, ang mga bisita nyo kailangan muna mag log-in sa frontdesk na nasa lobby, tapos tatawagan kayo ng frontdesk kung paakyatin ba o sa baba nyo na lang i-entertain ang bisita nyo." paliwanag pa nito.
"Ayos po pala etong apartment nyo, magkano naman po ang montly fee?"
"Medyo may kamahalan lang hija kasi nga halos kumpleto na ang gamit at lilipatan na lang, okey lang ba sayo ang 6,000 montly?" tanong nito.
"Oo naman po, sa ganda po nitong unit na ito ay ayos na ayos po Nay. Pwede na po ba akong dito mag stay ngayon? Magbayad na po ako for 5 months." sagot nya dito matapos bisitahin lahat ng gamit sa unit na uukupahin nya.
"Sige, Maitanong ko lang, sabi mo kasi ay bagong lipat ka, saan ka ba galing?"
"Sa Manila po ako dating nag work, medyo magulo na po at ayaw ko na naman po bumalik sa province namin kaya naghanap na lang po ako ng bagong environment." sagot nya dito.
"Ano bang trabaho mo hija?"
"Sa ngayon po wala pa, balak ko muna sanang mag bakasyon ng mga dalawang linggo tapos saka po ako mag apply kung saan pwede." sagot nya.
"Sya pwede bang balik muna tayo sa lobby para maka pirma ka ng kontrata at para na rin maresibuhan ka sa advanced payment mo?" tanong nito.
"Sige po." sagot nya at sumunod na lang sa ginang pabalik sa lobby ng apartle. Isang lalaki ang nakasalubong nilang palabas ng elevator, gwapo ito matangos ang ilong, mapungay na mga mata, manipis na labi at hindi maputi at hindi rin maputi ang kulay ng balat. Yun ang unang napansin niya, hindi nya napansin na nakatigil din ito at nakatingin sa kanya. "Ambrose hijo, sya nga pala si Bea ang bagong boarder natin, sa katabing unit mo lang sya." saad ng ginang. "Bea sya naman si Ambrose ang sinasabi ko sayo na kapitbahay mo." nakangiting dagdag ng matanda.
"Hello, nice to meet you." bati nya dito at nilahad ang kamay.
"Same here." saad ng baritonong tinig. "Mauna na ako sa inyo Nay, pagod ako sa byahe daan na lang ako sa inyo bukas." saad nito at tumuloy na sa paglalakad.
Nang makalayo ay pumasok na rin sila sa elevator para makababa ng lobby. "Pasensya ka na hija, may pagka suplado talaga ang batang yun, pero kahit ganun ang dami pa ring nagkakagusto doon, ang gwapo kasi. Sa katunayan ay bagay kayong dalawa." tila kinikilig na saad nito.
"Naku Nay malabong magustuhan nya ako." nahihiyang saad niya.
"Naku hija, yung tinginan nyo pa lang kanina mukhang na-love at first sight na kayo sa isa't isa." tatawa tawang saad nito.
"Hi Nay, sinong dyosa ang kasama mo?" tanong ng bading na nasa frontdesk.
"Sya ang bagong boarder natin Wendy, sa tabi ng unit ni Ambrose bigyan mo sya ng form at yung keycard ng unit nya, receipt na rin para sa payment nya." sagot ng ginang.
"Ayy bagay sila ni Papa Ambrose, isang dyosa at isang dyos ng kapogian si Papa A. Diba Nay?"kinikilig na saad nito.
"Yan din ang sabi ko sa kanya." sagot nito. "Ilang taon ka na ba hija?"
"23 po Nay. " maikling sagot nya dito.
"Paki fill-up nito ganda, basic info lang naman yan. Mukhang yayamanin ka ganda. Ang kinis at puti mo" saad ng bading.
"Naku, sa sabon lang yan wag kang paloko sa kutis ko." natatawang saad nya, mabuti na lang at may alam syang sabon na gamit ng kasambahay nila na syang naghahanda ng paligo nya, doon nya halos nalaman ang mga mumurahing gamit at cosmetics.
"Bea pala ang name mo, bagay sayo BEAutiful." nakangiting saad nito. "Im Wendy by the way, ang pinakamagandang pamangkin ni Nay Soleng. Friends na tayo ganda ha, share mo sakin beauty tips mo." saad pa nito.
"Sure, andyan sa form ang cp # ko, tawagan mo ako pag wala kang ginagawa." nakangiting saad nya dito.
"Ay bongga, sa wakas may maganda na akong friend." nakangiting saad nito. "Here's your keycard ganda, I know you're tired so beauty rest ka na and see you tommorrow." dugtong pa nito.
"Thank you, I really had a long day so mag rest na talaga ako. Goodnight Nay Soleng and Wendy, see you tommorrow."
"Goodnight hija/ Night ganda enjoy your stay here." sabay na saad ng dalawa.
Kinawayan na lang nya ang mga ito at tumuloy na sa elevator. Pagod na pagod sya sa byahe kaya ang gusto na lang nya ay ang mahiga sa kama at matulog, na sya naman nyang ginawa
ng makapasok sa kanyang unit ini lock ang pinto at agad hinanap ang kama.
YOU ARE READING
Bride Series: Love Between The Lies (Zenobia Frazer)
RomanceZenobia's whole life she obeys everything her parents ask her to do. She had no friends except for her older brother's girlfriend and their maids daughter, she did not go to a normal school. Her mother hired private tutors for her since she was a ch...