Chapter 16

7 1 0
                                    

     Hindi pa rin makapaniwalang nakatingin lang sya sa salamin. Ilang oras ba syang nakatulog at hindi nya namalayan na nabihisan at naayusan sya.  At nasaan na ang mga kasama nya at ang anak nya?

    "Baka matunaw ang salamin." biro ng kapapasok lang na hipag na si Mia kasama ang buong pamilya nya. Lahat ay nakangiti sa kanya.

   "What's going on Mom, Dad? Anong ginagawa natin dito?" tanong nya sa mga magulang.

   "We want you to be happy." saad ng kanyang ama.

    "What do you mean?" naguguluhang tanong nya.

    "We just wanted to see you before we go to the venue. Goodluck and Best Wishes my beautiful sister." saad ng Kuya Alex nya.

    "Can somebody answer my question! What's going on? Anong Best Wishes ang sinasabi mo kuya?" tanong pa rin nya.

   "We'll wait for you at the beach. Congratulations and be happy." anang kuya Alliz nya.

    Lalo lang kumunot ang noo nya ng pasimpleng nag apir pa ang dalawang hipag na tahimik lang pero may sinusupil na ngiti sa labi.

    Naglakad na ang mga ito palabas at naiwan ang siya kasama ang mga magulang.

   "Someone wants to talk to you anak, nasa labas sya at sa oras na umalis na kami ay papasok sya hihintayin ka na lang namin sa bridal car." saad ng kanyang ina.

   Naguguluhan pa ring nakatingin lang sya sa mga ito, no use of asking dahil mukhang wala naman balak sumagot ang kung sino mang tanungin nya.

   "Smile 'My Loves'" nakangiting saad ng kanyang ama, bago hinila na palabas ang kanyang ina. Nagtataka man sa inasal ng mga ito ay binalewala na lang nya.

  Nang makalabas ang mga ito ay saka naman pumasok ang ina ni Ambrose.

   "Hi Zenobia" nag aalangang bati nito. "Alam ko na nagtataka ka kung bakit ako nasa harap mo ngayon. I just want to say sorry for all the things I've done to you and to my son, kinailangan nyang lumayo sa iyo para malinis nya ang pangalan ko at pagtakpan ang mga kasalanan ko kay Papa. I hope you'll find it in your heart to forgive me. Hindi ako mapatawad ng anak ko sa mga nagawa ko sa kanya at sa iyo, pinagsisihan ko na ang lahat ng ginawa ko, kay Amanda, kay Theo, sa parents mo, at sa iba pa lalo na sa inyo ng anak ko at apo ko. Patawarin mo ako hija, o kung hindi man ngayon sana sa darating na panahon mapatawad mo ako." umiiyak na saad nito, nakatingin lang sya sa ina ng asawa. Ramdam nyang pinagsisihan na nito ang mga kasalanan nito kaya naman sya na mismo ang lumapit dito at yumakap.

    "Pinapatawad na kita Ninang." nakangiting saad nya.

   Natigilan ito bago tumingin sa kanya. "H-how did you know?" tanong nito.

    "Mommy told me that I only have two Ninangs, yun daw ang dalawang bestfriends nya noong highschool sya. It was you and Ninang Amanda right?" aniya dito na may ngiti pa rin sa labi.

    "Yes, but you have to change it to Mommy na because you are my son's wife." sagot nito. "Watch this Zen, para malaman mo na kahit kailan hindi ka iniwan ng anak ko, malayo man sya at hindi makalapit sa inyo pero kahit kailan hindi ka nawala sa puso nya." paliwanag nito na may inilagay na usb sa kanyang palad at itinuro ang laptop na nasa sidetable ng kama na tinutuluyan nya. "Maiwan na kita, we'll wait for you at the venue ano man ang maging pasya mo maghihintay sya." dugtong pa nito.

    Nakalabas na ito ay hindi pa rin sya umaalis sa kinatatayuan, nakatitig lang sa ibinigay niting usb. Ilang minuto pa ang dumaan ay nagpasya na syang alamin kung ano ang laman ng usb na ibinigay nito.

Bride Series: Love Between The Lies (Zenobia Frazer)Where stories live. Discover now