Chapter 17

4 1 0
                                    

    SHE's one hour late, and I'm nervous. Paano kung hindi nya tinanggap ang paliwanag ko at nanaig ang galit at sama ng loob nya. Nakadagdag pa sa kaba ko ang sinabi ni Mia na asawa ng kapatid nya. Napaka amazona talaga ng babaeng yun, noong nagpunta ako sa bahay ng parents ni Zen ilang araw matapos ang eksena sa engagement party kuno ko, siya lang naman ang nagbukas ng pinto sa akin at sya rin ang unang sumapak sa akin bago ang asawa nito na si Alliz na kapatid ni Zen, at kaya sya sinapak nito ay hindi dahil sa pananakit nya kay Zen, kundi dahil nasaktan ang asawa nito dahil sa pagsapak sa kanya. Mabuti na lang at hindi kasing bayolente nito ang isa pa nitong hipag, binungangaan nga lang sya ni Rosalyn. Bakit daw late na sya nagpaliwanag nakaalis na tuloy ang asawa nya. Mabuti na lang at napakiusapan niya ang mga magulang at kapatid ng asawa na hayaan syang makita ang asawa sa kundisyon na hindi sya pwedeng lumapit dito hangga't hindi nya napapatunayan ang sarili nya sa mga ito. Kaya hanggang pagbabantay lang sya sa mag ina nya. Nang manganak ito ay naroon din sya, higpit ng hawak sa kanya ni Zen na halos bumaon ang kuko nito sa kamay nya, naisip na lang nya na alam kaya ng asawa nya na sya ang hawak nito. Para kasing gusto nitong maramdaman nya ang sakit na nararamdaman nito habang inilalabas ang anak nila.

    "Isang oras na Ambrose, kaya pa ba?" nakangiting pang aasar na naman sa kanya ni Mia. Gustong-gusto na nyang tirisin ang babaeng ito, kung hindi nya lang alam na mahalaga ito sa asawa at isa ito sa mga tumulong sa kanya para malaman ang dream wedding ng asawa ay inihagis na sana nya ito sa gitna ng dagat.

    "Si Alliz nga nahintay ka ng ilang taon, ano pa ba ang ilang oras na ipaghihintay ko." sagot na lang nya dito.

    "Wag kang plastic, alam kong gusto mo na akong tirisin." tatawa-tawang saad ni Mia.

    "Malapit na talaga, kung hindi ka lang asawa ng kapatid ni Zen kanina pa kita inihagis sa gitna ng dagat." sagot niya dito na ikinatawa lang ng babae.

    "Oh ayan na ang bridal car, mukhang si Mom at Dad lang ang sakay." pangungulit pa nito.

   Alam nyang inaasar lang sya nito pero hindi nya maiwasan ang hindi kabahan.

   "Kuya, ayos na andyan na ang bride." saad ng pinsan nyang si Monica.

   "Tito Theo and Tita Kayleigh hawakan nyo na po si Kuya at baka mag collapsed na yan sa sobrang kaba." biro nito.

    "How do I look Dad?" tanong nya sa ama.

    "You look handsome my son, anak kita eh" sagot nito.

    "Hindi kayo magkamukha for your information Theo." sagot ng ina nya, hindi pa rin magkasundo ang mga ito.

    "May sinabi ba akong magkamukha kami? Ang sabi ko lang naman anak ko sya wala akong sinabi na kamukha ko sya." sagot naman ng ama nya.

    "Pwede bang kahit ngayon araw na ito lang magkasundo kayo para sa akin? " tanong nya sa mga ito. Pareho naman tumahimik ang mga ito at hinintay na lang na sumenyas ang assistant ni Monica na pwede na silang lumakad.

    Habang naglalakad ay itinuon na lang nya ang paningin sa harap kung saan nakatayo ang arko kung saan nya hihintayin ang asawa.

      Nalaman nya mula kay Mia ang dream wedding ni Zen kaya agad nyang tinawagan ang pinsan para syang mag organize ng beach wedding nila.

     Nakatayo na sya sa harapan at hinihintay na makarating sa kani-kanilang upuan ang mga kasama sa entourage.

    Naglakad na rin ang mga abay, si Sabrina kapareha ang asawang si Axel, si Gladz kapareha ang bestfriend nyang si Jhay, si Tiffany partner ng pinsan ni Zen na si Zaccheus at ang dalawang amazonang hipag ni Zen partner ang mga asawa nila. Naroon din ang iba pang pinsan ni Zen na si Zephaniah partner ang kaibigan nitong si Ken, at si Zenas partner ang kapatid ni Mia na si Adonis. Ang Matron at Man of honor ay si Wendy at Uncle Nathan nya.

    Naglakad na rin ang mga batang abay, si Zeke na anak ni Mia ang syang bible bearer, ang flower girls ay sina Ailou na anak din ni Mia at si Nicole na anak ni Rosalyn. Sunod ay ang anak nya na syang ring bearer, hawak nito ang glass box na kinalalagyan ng singsing. Sa pinakahuli ay ang kambal na anak ng Uncle Nathan niya.

      Maya maya pa ay nagpalit na ang kanta, Beautiful in White na syang wedding song nila. Napatingin sya sa may pinto kung saan papasok ang bride. Ilang araw ba nyang hindi ito nakita, miss na miss pa rin nya ito kahit pa wala pang isang linggo nya itong hindi nakita. Hawak ito ng mga magulang habang naglalakad, wearing a knee length white gown and barefooted she's really beautiful in her wedding gown. Can't wait to be with her again. Their eyes locked with each other and he can't control the tears running down his cheeks, He's madly inlove with the mother of his son, the woman his waiting for all these years. The woman he met at San Nicolas who caught his attention.

    Katulad nya ay umiiyak rin ito habang nakatingin sa kanya. Hindi nya namalayan na nasa harap na nya ito, kung hindi pa sya tinapik ng Uncle nya na syang nasa tabi nya ay hindi pa sya maiingli na kunin ang kamay nitong iniaabot ng ama nito.

    "Take care of my princess and make her happy always son." bilin ng ama nito.

    "Yes I will Dad." sagot nya dito saka inabot ang kamay nito. Niyakap muna ito ng mga magulang saka siya binalingan at niyakap rin ng mahigpit.

    "You have a lot of explaining to do, but I'll let it pass for now. Thank you for not abandoning me and our son. You keep your promise Love. " nakangiting saad nito bago bumitaw ng yakap sa kanya.

    Napabaling lang sila ng sumigaw ang anak ni Mia na si Ailou, tinawag nito ang atensyon niya at may ipinakitang placard na may nakasulat na "Hurry up Uncle Ambrose, I'm only here for a cake." nakapamewang pa ito habang nakataas ang isang kamay na may hawak.

    Pareho silang natawa kasabay ng ibang mga bisita, kaya naman bumaling na sila sa Pastor na syang magkakasal sa kanila.



Bride Series: Love Between The Lies (Zenobia Frazer)Where stories live. Discover now