NAKAGAYAK na si Zen at hinihintay na lang nya si Nathan na susundo sa kanya papunta sa hotel na pagmamay-ari ng pamilya Henderson kung saan gaganapin ang Engagement Party ng pamangkin ng binata. Pumayag si Don Ricardo na umatras sya sa kasal nila ni Nathan sa kasunduan na maging date sya ng binata sa gabing iyon. Mabuti na lang pala at nakiusap daw ang apo ng Don na sya muna ang magpakasal sa nobya nito.
Naputol ang kanyang pag iisip ng tumunog ang phone nya. Ang asawa nya ang tumatawag, na agad nyang sinagot. "Hello love"
"I'm sorry My loves, gustuhin ko man sunduin ka ngayon pero naki usap si Mommy na bukas na lang at mag attend muna ako sa welcome back party na inihanda nya ." agad na paliwanag nito."Okey lang love, may pupuntahan rin naman kami nina Mom and Dad tonight kaya bukas na lang tayo magkita." sagot nya dito.
"Pero miss na kita, When this is over. I'll come and fetch you na lang."
"I miss you too love, sige hindi rin naman kami magtatagal sa pupuntahan namin."
"Ano nga pala ang sabi ng parents mo? Nagalit ba?" tanong nito sa kanya.
"Hindi naman sila nagalit love, at nakausap na rin namin ang Henderson's at pumayag na sila na hindi matuloy ang kasal." sagot nya.
May ilang segundong nanahimik sa kabilang linya kaya ang akala nya ay naputol na ang tawag pero ng tingnan naman nya ang phone ay on-going pa rin ang tawag. "Hello Love are you still there?" tanong nya.
"Ah, I'm sorry dumaan kasi si Mommy to check on me. I have to go My Loves magkita na lang tayo mamaya after the party. Bye, I love you." saad nito at hindi na hinintay na makasagot pa siya at ibinaba na ang tawag. Sakto naman pagbaba ng tawag nito ang pagkatok sa pinto bago bumukas at pumasok ang hipag nyang si Rosalyn.
"Hey sis, nasa baba na si Nathan." saad nito. "You're really gorgeous on a red dress my dear sister-in-law." pamumuri nito.
"Thank you, ikaw din naman parang wala pang baby, I'm sure hindi ka hihiwalayan ng tingin ni Kuya mamaya sa party." biro nya dito.
"Naku, ayaw nga nya sa suot ko tinakot ko lang sya na isusumbong ko sya kay Mommy since si Mommy ang gumawa ng damit natin." sagot nito.
"Mabuti na lang hindi possessive si Ambrose gaya nina Kuya." natatawang saad nya bago tumayo at kinuha ang pouch nya at sabay na silang lumabas ng kwarto nya.
"Si Mia nga pala hindi sasama kasi nasa Vietnam si Alliz maiinggit lang daw sya kasi sya lang walang date. At ngayon gabi rin ang dating ni Zeke nagpahatid sa Daddy nya." saad pa nito.
"Oh I miss that curly boy." saad nya na ang tinutukoy ay ang anak ni Mia.
"Me too, nung huling umuwi sila dito nasa Palawan kami ni Alex at hindi ko na sya inabutan nakabalik na sila ng Dubai noong umuwi kami dito." sagot nito.
Nadatnan nila sa receiving area ng bahay nila ang parents nya kasama ang Kuya Alex nya at si Nathan nakabihis na silang lahat para mag attend sa party ng Hemderson's invited kasi ang bupng pamilya nila dahil business partner ito ng Daddy nya. "Shall we?" tanong ni Nathan sa kanya na inilahad ang braso nito para kapitan niya, na agad naman nyang tinanggap. "Tito, Tita, Alex and Lyn mauna na kami sa inyo." saad ng binata na agad naman tinanguan ng kanyang mga magulang.
"Susunod na kami, take care of my daughter Nathan." sagot ng kanyang ama.
At inakay na nga siya ng binata palabas ng bahay hanggang sa makasakay sila sa sasakyan nito.
Binuhay nito ang makina bago nag umpisang mag drive. "Salamat sa pag atras mo sa kasal Zen, I can't thank you enough. Wala akong lakas ng loob na suwayin ang magulang ko." basag nito sa katahimikan nila. "I love someone else Zen, at iniwan ko sya para sumunod sa kagustuhan ni Daddy." dugtong pa nito.
"Bago ako umalis sa bahay Nathan ang nasa isip ko lang maranasan muna ang mamuhay bilang ordinaryong tao, bago man lang ako matali sayo, buong buhay ko lahat ng gusto ng parents ko sinusunod ko. Kahit labag sa loob ko. But I met someone, he gave me a reason to fight for what I want. And I want him in my life kaya naglakas ako ng loob na sabihin kina Mommy ang tungkol sa kanya pati na rin ang hindi ko pag sang-ayon na ipakasal nila ako sayo. Kaya kung ako ikaw, sabihin mo na rin sa parents mo na iba ang gusto mong pakasalan." paliwanag nya dito.
"What we had was different Zen, we'll be judge by many, our relationship was unacceptable."
"If what you have with her is real, nothing is unacceptable. Judgement of others won't matter to both of you." saad nya.
"She's a transwoman Zen." maikling sagot nito.
"So? What now if she's a transwoman? Kung mahal mo sya Nathan hindi mo sya dapat iniwan, ipinaramdam mo lang sa kanya na kahit ikaw hindi sya kayang tanggapin." sagot nya dito.
"I know, that's why I'm thanking you. I'm planning to win her back." saad nito bago inihinto ang sasakyan sa harap ng hotel. Lots of people with cameras are waiting outside.
Nang huminto ang sasakyan nila ay nauna na itong lumabas sa kanya para ipagbukas sya ng pinto. Kislapan ng camera ang sumalubong sa kanya pagkababa nya ng sasakyan.
Naglakad na sila papasok ng hotel habang ang bodyguards nila ay nakapalibot sa kanila habang naglalakad sila.
Agad nilang nakita ang parents ni Nathan kasama ang kapatid ng binata na si Kayleigh Henderson, ang alam nya ay dati itong kaibigan ng Mommy nya kung anong pinag awayan ng mga ito ay hindi nya alam. Single pa rin ito hanggang ngayon dahil hindi daw nito pinakasalan ang ama ng anak nito dahil mahirap lang at walang itutustos sa mga kapricho nito.
Lumapit sila sa mga ito, matapos magbigay galang sa mag asawang Henderson ay bumalik na uli ang mga ito sa pag entertain sa mga bisitang dumarating. Hinanap ng mga mata nya kung dumating na ang mga magulang, ng makita ang mga ito na palapit sa kanila ay saka naman nagsalita ang emcee para tawagin ang presence ni Don Ricardo. Agad namang umakyat ng podium ang matanda kasama ang anak na si Kayleigh.
"GOOD EVENING EVERYONE, I WANT TO THANK YOU ALL FOR COMING IN THIS UNFORGETABLE MOMENT OF OUR LIFE. THE LAST TIME WE GATHER HERE I ANNOUNCE THE ENGAGEMENT OF MY SON TO THE DAUGHTER OF MY GOOD FRIEND ZACH, BUT THINGS UNEXPECTED HAPPEN AT NAGKASUNDO KAMI NA WAG NG ITULOY ANG KASAL NILA. BUT GOOD NEWS COMES AFTERWARDS, MY GRANDSON AMBROSE TOLD US THAT HE ALREADY PROPOSE TO HIS LONG TIMED GIRLFRIEND SO I TOOK THIS CHANCE TO ANNOUNCE THEIR UPCOMING WEDDING." Mahabang paliwanag nito, nagulat sya dahil kapangalan pala ng asawa nya ang pamangkin ni Nathan. "KAY DO THE HONOR OF INTRODUCING YOUR SON AND HIS FIANCE." dugtong pa nito.
Agad naman kinuha ng dalaga ang mike, hindi nya alam kung bakit kinabahan sya sa ngiting ibinihay nito sa kanya bago nagsalita.
"EVERYONE LET US ALL WELCOME THE NEWLY ENGAGED COUPLE.... AMBROSE HENDERSON EISENHOWER AND CASSIDY VERGARA." gulat na napatingin sya sa dalawang taong ngayon ay naglalakad palapit sa mag amang Henderson. Hinihintay nyang tumingin sa gawi nya ang asawa pero mukhang hindi nito alam na naroon sya.
Agad itong lumuhod sa harap ng kasamang babae, hindi nya kinaya ang nasaksihan kaya agad syang tumayo at aalis na sana sa party na yun pero aksidenteng nabangga sya ng isang waiter dahilan para gumawa sila ng ingay at makakuha sila ng atensyon sa ibang bisitang naroon pati na rin ang taong hindi na nya gusto pang makita. Gulat ang itsura nitong nakatingin sa luhaan nyang mata. Lalapitan sana sya nito pero agad syang nakatayo at tumakbo palabas ng hotel, nagtataka naman ang hipag nyang madali syang nasundan.
"Zen wait, what's going on? Why are you in tears?" tanong nito ng makarating sila sa madilim na bahagi ng hotel.
Hindi sya umimik, patuloy lang syang umiiyak na niyakap ang hipag. Ang sakit ng nararamdaman nya, hindi nya makayanan ang sakit naninikip ang dibdib nya at nahihirapan na syang huminga.
"Zen, what's happening?" tanong nito, hindi nya ito masagot nakahawak lang sya sa kanyang dibdib na sumasakit.
"C-can't b-breath." maikling saad nya dito, narinig na lang nyang nagsisigaw ang hipag ang sumunod na nangyari ay hindi na nya alam dahil tuluyan na syang kinain ng kadiliman.
YOU ARE READING
Bride Series: Love Between The Lies (Zenobia Frazer)
RomanceZenobia's whole life she obeys everything her parents ask her to do. She had no friends except for her older brother's girlfriend and their maids daughter, she did not go to a normal school. Her mother hired private tutors for her since she was a ch...