Pahina 2

77 25 3
                                    

Agosto 2, 1965
Lunes               


Mahal kong talaarawan,

     Nais ko sanang isalaysay sa aking matalik na kaibigang si Perla ang aking karanasan sa araw na ito ngunit ako'y natatakot na marahil ay masambit niya ito sa aking mga magulang. Kaya naman ay sa iyo ko na lamang ibabahagi ito.

     Habang ako ay naglalakad papasok sa aming paaralan, aking nakasalubong si Alejandro, ang aking hinahangaang ginoo mula sa paaralang kolehiyo.

     Tila ba tumigil ang aking mundo nang ang aming mga mata ay nagkatagpo at ako ay kaniyang nginitian.

     Dahil doon, hindi ko na mapalis sa aking isipan ang kaniyang napakaamong mukha, matipunong pangangatawan at ang kaniyang nakabibighaning tindig.

Nagmamahal,
Peridot            

PeridotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon