Pahina 22

18 8 0
                                    

Agosto 22, 1965
Linggo                


Mahal kong talaarawan,

     Kasama ang aking mga magulang, sabay-sabay kaming nagtungo sa simbahan.

     Labis ang nag-uumapaw na kasiyahan sa aking puso dahil doon. Tila wala na akong mahihiling pa. Kaya nama'y lumuhod ako sa simbahan kanina upang magdasal sa Panginoon.

     Ipinagdasal ko na sana ay maging ganito na lamang palagi. Na tuwing pagsapit ng araw ng Linggo ay sisimba kami bilang isang pamilya... Bilang isang pamilyang buo at puno ng pag-ibig. Nagpasalamat din ako sa Kaniya dahil hindi man ako pinalad sa aking unang pag-ibig, binigyan Niya naman ako ng isang napakagandang pamilya. At lumisan man ang aking nag-iisang kaibigan, biniyayaan Niya naman ako ng panibagong katoto.

     Talaarawan, wala na akong ibang mahihiling pa.

     Hindi ko man mahiling sa Diyos na patigilin ang oras upang maging ganito na lamang lagi, hiniling ko na lang na sana ay huwag magbago ang ihip ng hangin. Na sana ay parating naririto sa aking tabi ang mga taong pinahahalagahan ko nang labis-labis.


Nagmamahal,
Peridot            

PeridotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon