Pahina 6

51 17 2
                                    

Agosto 6, 1965
Biyernes          


Mahal kong talaarawan,

     Hindi talaga ako nais lubayan ng depungal na si Augustus. Ako'y kaniyang sinabayan pa sa paglalakad tungo sa may nayon. Aniya'y doon din naman ang paroroonan niya dahil nagtatanim siya roon ng palay kasama ang kaniyang tiyuhin.

     Nang sabihan niya akong kamukha ko raw si Tandang Sora dahil sa nakakunot kong noo, labis na naman ang pagkulo ng aking dugo dahil sa kaniya. Kaya naman tumigil ako sa paglalakad at iniharang ang aking paa sa kaniyang daraanan. At nang siya'y ngumudngod sa lupa, labis ang aking paghalakhak sabay sabi ng, "faggot!" Saka ako kumaripas ng takbo. Natutunan ko ang salitang iyan nang minsang mabasa ang Ingles na diksyunaryo ni Ama.

     Kaya naman buong paglalakad namin ni Augustus ay panay ang kaniyang pagtatanong kung ano ang kahulugan ng salitang aking binanggit. Ang sabi ko naman ay 'matikas' ang kahulugan niyon.

     "Kung ganoon, ako ay faggot!" Halos malagutan ako ng hininga dahil sa pagtawa. Naniwala kasi ang depungal na 'matikas' nga ang ibig sabihin ng salitang faggot.

     Naguguluhan sa aking biglaang pagtawa, nanguna sa paglalakad si Augustus habang binabanggit ang katagang, "basag ang pula."

     Talaarawan, ano ang ibig sabihin niyon?


Nagmamahal,
Peridot            

PeridotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon