Agosto 11, 1965
Miyerkules
Mahal kong talaarawan,
Pasensya na at puro kalungkutan na lamang ang aking isinusulat sa iyo. Wala kasi akong mapagsabihan ng aking mga nararamdaman.
Dalawang araw. Dalawang araw na ang nakalilipas simula nang pagtaksilan ako ni Alejandro. At isang araw na ang nakalilipas mula noong lumisan si Perla.
Ang kabiyak ng aking puso at ang kapatid ng aking pagkatao... Sila'y tila mga magnanakaw na tinakam ako sa kanilang pagmamahal at sa huli'y ninakaw ang aking kaligayahan at iniwan akong lumuluha at nagdurusa.
Talaarawan, hindi ko na nais pang mabuhay. Ang dalawa sa aking pinakamamahal ay nilisan na ako. Wala na akong masasandalan pa. Hindi ba't mas mabuting maglaho na lamang ako na parang isang bula?
- Peridot
BINABASA MO ANG
Peridot
Short StorySummer of 2020. Isang kasaysayan ang matutuklasan. Isang kuwentong nakabinbin, ilang dekada na ang nakalilipas. Ano kaya ang nakapaloob sa lumang diary ng isang nagngangalang... Peridot? *** Santa Claus. Bermuda Triangle. Atlantis. Unicorn. 'Yung fe...