Agosto 12, 1965
Huwebes
Mahal kong talaarawan,
Ako ay lubusan na talagang nawawalan ng gana sa lahat ng bagay.
Ang mga luha sa aking mga mata ay parati na lamang nagbabadyang tumulo. Ngunit, ginagawa ko ang lahat ng aking makakaya upang pigilan ito. Baka kasi ay tanungin ako ni ina kung bakit ako malungkot at umiiyak. Baka siya ay magalit sa akin dahil sa pakikipaglapit ko sa isang lalaki. Baka rin ay itakwil niya ako. Talaarawan, hindi ko na talaga kakayanin pa kung magkaganoon man.
Sa paaralan, panay pa rin ang pagbuntot sa akin ni Augustus. Hinihintay ko lamang na ako'y kausapin niya upang itanong kung ayos lamang ba ako ngunit hindi talaga niya ako kinikibo... o kahit tinutukso man lang.
Hindi ko batid kung bakit gustong-gusto kong kausapin niya ako gayong bugnot naman talaga ako sa kaniya dahil sa kaniyang mga kapilyuhan. Subalit wala na talaga akong iba pang maisip na maaari kong makausap ukol sa aking pinagdadaanan maliban sa kaniya.
Si Perla sana... Hindi. Ayoko na siyang isipin pa. Ayoko na silang isipin pa.
- Peridot
BINABASA MO ANG
Peridot
ContoSummer of 2020. Isang kasaysayan ang matutuklasan. Isang kuwentong nakabinbin, ilang dekada na ang nakalilipas. Ano kaya ang nakapaloob sa lumang diary ng isang nagngangalang... Peridot? *** Santa Claus. Bermuda Triangle. Atlantis. Unicorn. 'Yung fe...