Pahina 3

63 20 3
                                    

         Agosto 3, 1965
Martes             

     

Mahal kong talaarawan,

     Parang isa lamang itong panaginip. Subalit kung ganoon man, maaari bang huwag na lamang akong magising mula sa pagkakahimbing?

     Pagkatapos ng aming klase sa hapon, habang ako ay naglalakad na pauwi sa aming tahanan ay nagkatagpong muli ang aming landas. Oo, tama ka. Si Alejandro nga.

     At iyo bang nawawari kung ano ang sumunod na nangyari? Ah, marahil ay hindi. Sige at aking isasalaysay sa iyo.

     Habang ang mga maya ay humuhuni na para bang kami ay inaalayan ng isang Kundiman. Habang dumadaplis sa aking balat ang malamig na simoy ng hanging nagmumula sa bukirin. At habang ramdam ko ang aking puso na tila ba lumulundag dahil sa pinaghalong tuwa at kaba; Naroon kami sa ilalim ng puno ng akasya habang payapang pinanonood ang paglubog ng araw sa may nayon.

     Talaarawan, ikaw ba ay maniniwala sa akin kung aking sasabihin na tila ba kami ay sinasang-ayunan ng tadhana?

     Ngunit, sandali nga lamang. Aba't ano itong nangyayari sa akin? Bakit hanggang ngayon, kahit na oras na upang magpahinga ay tila ba ako'y nasa alapaap pa rin habang iniisip ang mga naganap kani-kanina lamang?

 

Nagmamahal,
Peridot            

PeridotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon