Pahina 20

24 11 0
                                    

Agosto 20, 1965
Biyernes            


Mahal kong talaarawan,

     Kayumanggi ang balat. Ang itim na buhok ay hanggang balikat (para itong walis). Mas maliit sa akin. Ang halakhak ay masakit sa tainga dahil sa sobrang tinis. 'Yan ang mga katangian ng babaeng katawanan ni Augustus kanina sa paaralan.

     Ang depungal na iyon! Hindi ko lamang siya pinansin nang isang araw ay iyan na ang ibubungad niya sa akin? Walang hiya!

     At sino na nga ba ang katawanan niya? Ah, si Puring. Eh napakabaho naman ng pangalan noon eh! Ayaw niya ba sa akin? Napakaganda kaya ng aking ngalan--- Peridot. Nakahuhumaling, hindi ba?

     Naalala ko tuloy si Alejandro. Katulad niya rin ba si Augustus?

      Ngunit, magkaibigan lamang kami ni Augustus. Dapat ba akong magalit sa kaniya kung makahanap man siya ng babaeng kaniyang mamahalin?

     Ah, basta. 'Di hamak na mas maganda naman ako sa Puring na iyon! Kamukha niya lamang ang patay na kuko sa paa ni Mang Ramon eh. Tss.


Nagmamahal,
Peridot            



Mensahe para kay Mang Ramon:

Pasensya na po at dinamay ko pa ang inyong patay na kuko. Wala na ho kasi akong maisip na ibang kamukha ng Puring na iyon, eh. Hehe.

PeridotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon