Chapter 1

710 20 0
                                    

Now I'm here at my walk-in closet at naghahanap ng dress na susuotin ko dahil nagyaya si Adri na maggala and I don't want to go anywhere na kung ano ano lang ang suot I really love Dresses.

"Knock knock"

"Wait mom" sagot ko nalang sa taong kumakatok sa labas ng kwarto ko kahit hindi ako sigurado kung si mommy nga iyon.

"Char this is me Adri, papasok na ko huh" rinig kong sagot ni Adri, wait Adri? Oh my gosh anong ginagawa nya dito akala ko ba mamaya pa nya ko susunduin!?

"Char ano na!? Matagal ka pa ba?" Rinig kong tanong ni Adri saakin sa labas ng pinto ng walk in closet ko

"Just give me 5 minutes Adri, gamitin mo nalang muna yung laptop ko dyan habang naghihintay!" Sagot ko dahil hindi parin ako nakakahanap ng isusuot ko.

"Whaaa i like this dress,ito nalang ang isusuot ko" sabi ko sa sarili ko matapos makita ang isang blue floral dress kaya kinuha ko na iyon at isinuot.

Lumabas na ako ng walk-in closet ko at nakita ko namang nakahiga sa kama ko si Adri habang naglalaro sa laptop ko.

"Hoyy lalake!Masyado ka namang feel-at-home ahh!"sigaw ko sa kanya

"Syempre bahay ko na rin kaya toh noh kaya nga welcome na welcome na ko ehh" pang aasar nya sakin

"Kapal mo talaga!Tara na nga" sagot ko sa kanya saka sya hinila palayo sa kama ko but...

Bago ko pa sya tuluyang mahila palayo ay biglang nanlambot ang tuhod ko ng bigla nya akong hilahin papunta sa kanya and now nakahiga parin sya sa kama and me?nakadagan sa kanya dahil nga nawalan ako ng balanse ng hilahin nya ako.

"Masyado ka naman yatang nag-eenjoy sa katawan at kagwapuhan ko?" Nakangising saad ni Adri, kahit hindi ko nakikita ang mukha nya ngayon ay alam kong nakangisi sya

"Ang kapal mo panget ikaw kaya tong nanghila saakin,bitiwan mo na nga ako!" Sigaw ko sa kanya

Binitiwan naman nya ang kamay ko kaya agad akong tumayo at nagmamadaling kinuha ang sling bag ko bago nagpunta sa pinto

"Tumayo ka na dyan alis na tayo libre mo diba" nang aasar na sabi ko sa kanya dahil balak kong ubusin ang laman ng wallet nya,bago lumabas ng kwarto ko.

Andito na ako ngayon sa Sala hinihintay na bumaba si Adri, ano naman kayang ginagawa nun sa kwarto ko sabi ko sa kanya aalis na kami ehh

"Oh anak bakit ikaw lang ang bumaba?Nasaan si Driel?" Tanong ni mommy

"Oo nga akala ko pinuntahan ka ni Driel sa kwarto mo kanina?" Tanong din ni daddy

"Opo pinuntahan nya ko sa kwarto, andun pa nga po hanggang ngayon naglalaro sa laptop ko sabi ko nga po aalis na kami ehh" sumbong ko kay mommy at daddy

"Naku mommy daddy hindi po totoo yan itong si Char ehh hindi kaya ako naglalaro may ginawa lang ako ehh"sagot ni Adri habang pababa ng hagdan

Yes, mommy at daddy rin ang tawag ni Adri sa parent's ko and ganun din ako sa parent's nya hindi dahil magkarelasyon kami kundi dahil malapit na magkaibigan ang pamilya namin at kami rin ni Adri ay malapit na magkaibigan simula pa noong bata pa kami, akala nga ng iba girlfriend na ako ni Adri dahil lagi kaming magkasama hindi kami naghihiwalay.Dahil din doon kaya Nbsb ako kase ayaw nyang may dumidikit saking ibang lalake

"Hoyy!Panget!lumilipad nanaman yang isip mo,sino bang iniisip mo?pag yan lalake yari ka sakin"Sabi ni Adri habang kunyari nagseselos

"Ikaw iniisip ko, iniisip ko kung bakit napakapangit mo HAHAHAHA" Pang aasar ko nalang sa kanya

I'm Inlove With My Bestfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon