𝐂𝐡𝐚𝐫𝐥𝐨𝐭𝐭𝐞'𝐬 𝐏𝐎𝐕
Maaga akong nagising dahil siguro sa Jetlog, mas advance ng 1hour ang oras dito sa Japan, kung nasa Manila ako ngayon ay siguradong natutulog pa ako.
Naligo na ako at nagbihis ng naaayon sa kinaroroonan ko ngayon,nag ayos lang ako sandali bago lumabas ng unit ko sa restaurant nalang ako kakain ng breakfast bago maggala dito.
"Only one month, One month lang ako makakalayo sa taong tinatakasan ko" sabi ko sa sarili ko habang naglalakad papunta sa isang restaurant.
Kailangan kong mabago ang lahat ng tungkol sakin sa loob ng isang buwang pananatili ko dito,kailangan kong alisin ang nararamdaman ko para sa kanya.
Sandali lamang akong kumain pagkatapos ay naglibot libot na,bumili ako ng mga bagong gamit at damit.Kailangang magkaroon ng malaking pagbabago sa pagkatao ko para pagbalik ko sa Pilipinas ay magkaroon ako ng dahilan para mabawasan ang mga araw na makasama at makita ko si Adriel.
......................................
𝐀𝐝𝐫𝐢𝐞𝐥'𝐬 𝐏𝐎𝐕
Ilang araw na akong pabalik balik dito sa bahay nila Char pero wala akong makitang Charlotte.Naguguluhan na ako, bakit ba sya nagtatago sakin?O nagtatago nga ba sya sakin?Nasaan na ba yung bestfriend ko?.
"Mommy Diane isang linggo na po akong pabalik-balik dito, Nasaan po ba talaga si Char?" Tanong ko
"Sorry Adriel,But I have no rights para sabihin sayo kung nasaan ang anak ko" Sagot ni mommy Diane
"Pero mommy ano po bang dahilan nya para umalis ng walang paalam?" Tanong ko
"Just wait until the day she came home,Pagbalik nya saka mo itanong ang lahat ng tanong mo sa kanya, okay?" Sagot ni Mommy Diane
"Sige po,uuwi na po muna ako, babalik nalang po ako next week,baka sakaling nakauwi na sya by next week" paalam ko bago umalis
Bakit ba sya umalis,akala ko ba hindi sya aalis ng mag isa at hindi sya aalis ng hindi ko alam.May nagawa ba akong kasalanan sa kanya?hindi kaya nagtatampo yun?Pero bakit naman?
"Mommy?Masama ba akong kaibigan?" Tanong ko kay mommy Elise
"Ofcourse not,why?" Sagot ni mommy
"Almost one week ko na po kasing hindi nakikita si Char, iniisip ko po baka may nagawa or nasabi akong mali sa kanya kaya bigla syang hindi nagpakita sakin" paliwanag ko
"Baka naman gusto lang nyang magkaroon ng oras sa sarili nya,lagi ka kasi nyang nakakasama kaya nawalan sya ng oras para mamuhay mag isa" Paliwanag ni Mommy
"Baka nga po,sige po mommy matutulog na po ako, tulog na rin po kayo, goodnight" paalam ko kay mommy saka sya hinalikan sa noo.
Pumasok na ako sa kwarto ko at natulog, masyadong naging mahaba ang araw na ito,kailangan ko munang magpahinga, baka paggising ko bumalik na ang nag iisa kong bestfriend.
......................................
𝐂𝐡𝐚𝐫𝐥𝐨𝐭𝐭𝐞'𝐬 𝐏𝐎𝐕
Masaya ako dahil malaya akong nakagagalaw ngayon at malayo sa taong nagpapagulo ng tibok ng puso ko.
"What's your plan now?" Tanong ng kaibigan ko.Yes I have a female friend here in Tokyo kaya dito ko piniling mag stay
"I don't know I just want to distance myself from him even if it's just a damn one month" sagot ko
"But Charlotte you only have more two weeks to stay here" paalala nya
"Yeah I know, that's why I'm worried" sagot ko
"Worried about what?About your feelings for him?"Tanong nya
"Yes,I'm worried, what if I still love him?What if he doesn't love me?or even like me?I don't want to get hurt" sagot ko
"It's ok Charlotte, you still have two weeks" sagot nalang nya
Pagkatapos namin mag usap ni Yua ay nagpaalam na kami sa isa't isa,umuwi na ako sa hotel para makapagpahinga na.
Pagdating ko ay agad na akong sumakay ng elevator para makaakyat na sa kinaroroonan ng unit ko.Pagdating ko sa unit ko ay agad na akong pumasok at naglinis ng aking sarili.Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako ng pantulog at natulog na.