𝐀𝐝𝐫𝐢𝐞𝐥'𝐬 𝐏𝐎𝐕
Araw-araw akong bumibisita dito sa ospital para makita at bantayan si Char.Isang linggo na akong pabalik balik dito at minsan pa ay dito na rin ako natutulog,Hanggang ngayon ay hindi ko parin maiwasang sisihin ang sarili ko sa nangyari sa kaibigan ko.Hanggang ngayon ay hindi pa sya nagigising.
"Char, gumising ka na please,namimiss ko na yung pagiging makulit mo" pagmamakaawa ko sa harap nya habang hawak hawak ang kanang kamay nya
"A-alam kong hindi mo ako naririnig,p-pero Char, m-mahal na din kita" dagdag ko pa na ikinagulat ko rin
Hindi ko maintindihan,basta ang alam ko mahal ko sya at hindi ko kayang mawala sya saakin.Gagawin ko ang lahat para lang magising sya.Ilang saglit pa ay bumukas na ang pinto at iniluwa noon ang parents ko at sila tita Diane.
"Kumain ka muna Adriel,kanina ka pa hindi kumakain" sabi saakin ni mommy
"Hindi pa po ako gutom, dito lang po ako" sagot ko
"Kung gising si Charlotte siguradong aawayin ka nyan dahil ayaw mong kumain" singit ni tita Diane
Kinuha ko na rin ang pagkaing ibinibigay kanina ni mommy saka kumain.Habang kumakain ay hindi ko maiwasang maawa sa kalagayan ngayon ni Char,Kailan kaya sya gigising?
......................................
"Two weeks na pong in coma ang pasyente,kayo na po ang mag desisyon kung maghihintay pa tayo ng ilang linggo o aalisin na ang mga aparatus na nakakabit sa kanya" paliwanag ng doctor
"Tita maghintay pa po tayo please,sigurado po akong m-magigising pa si Char, p-please tita" pagmamakaawa ko kay tita Diane habang walang hinto sa pag iyak
Hindi ko kakayanin kung mawawala si Char saamin.Hindi ko alam kung anong magagawa ko kapag sinukuan ko sya.
"We can wait for another 2weeks doc, and a-after two weeks without any improvement susuko na kami" nagpapakatatag na sabi ni Tito sa duktor.
Lumapit ako kay Char at pinagmasdan muli ang napaka amo nyang mukha,lumaban ka Char, huwag mo kaming iwan.
"Bumalik kana samin p-please" naiiyak kong pagmamakaawa sa walang malay kong kaibigan
"Promise hinding hindi kita susukuan"bulong ko kay Char
Alam kong hindi nya ako naririnig pero hindi parin ako tumitigil na kausapin at kwentuhan sya sa bawat pagbalik balik ko dito sa ospital.
......................................
"Tita,one week nalang po,P-please wag po tayong sumuko" pakiusap ko kay tita Diane dahil one week nalang ang allowance na ibinigay ng duktor sa paghihintay namin sa paggising ni Char.
"K-kahit ako Adriel ayaw kong isuko ang anak ko" sagot ni tita
"Pero ayokong nakikitang naghihirap sya" dagdag nya paAraw araw akong pabalik balik sa tabi ni Char.Wala akong pinapalampas na araw dahil ayokong sumuko, umaasa parin akong magigising sya.
Araw araw ko syang dinadalhan ng sariwang bulaklak para kahit papaano ay may nalalanghap syang sariwang halaman.Araw araw din akong nagku kwento sa kanya ng mga nangyayari sa buhay ko.
Kinukuwento ko rin sa kanya ang masasayang alaala namin,kinukwento ko rin kung gaano ko sya kamahal at kagusto.Natatakot ako noon na baka malaman nya ring gusto ko sya at mahal ko sya, pero ngayon natatakot na ako na baka hindi na nya malaman at maramdaman ang pagmamahal kong iyon.
