𝐀𝐝𝐫𝐢𝐞𝐥'𝐬 𝐏𝐎𝐕
"Char,please wake up,We only have three day's left" pakiusap ko kay Char kahit alam kong wala naman syang naririnig
Huling tatlong araw nalang bago ang deadline na ibinigay ng duktor kay Char, kapag wala parin syang improvement sa loob ng 3day's na natitira ay wala na kaming magagawa pa kundi ang palayain na sya.
Hawak hawak ko ang kamay ni Char ngayon at pinagmamasdan,ayokong dumating ang araw na hindi na namin sya mahawakan pa at makita.Habang hawak hawak ang kamay nya ay napangiti ako ng biglang gumalaw ang isa nyang daliri.
Para akong nawala sa katinuan ng makita kong gumalaw ang daliri nya kaya hindi ko agad iyon pinansin.
"Tita!Yung daliri ni Char!" Nakangiting sigaw ko ng mag sink in sa utak ko ang paggalaw ng daliri nya
Agad namang tinawag ni tito ang duktor.Pagdating ng duktor ay agad nyang tinignan si Char,binuksan nya ang mata ni Char at tinapatan ng ilaw na nagmumula sa flashlight nya.
"It's a good sign,maya maya lang ay magkakamalay na ang pasyente, bantayan nyo syang maigi, kapag nagising na sya ay tawagin nyo na lang ako" nakangiting sabi ng duktor bago umalis
Gaya ng bilin ng duktor kanina ay binantayan ko ng maigi si Char.Napakasaya ko ngayon dahil alam kong maya maya lang ay makakausap ko na sya.
Masaya kaming lahat na naghintay sa paggising ni Char.Hindi naman kami nabigo dahil ilang sandali lang ay dahan dahan na syang nagmulat ng mga mata.Agad naman namin syang sinalubong ng mainit na yakap habang may ngiti sa mga labi.
"N-Nasaan ako?" Naguguluhan nyang tanong saka nagpalinga linga sa paligid
"N-Naaksidente ka two months ago" lakas loob kong sagot sa kanya
"S-Sino kayo?" Tanong nya na nagpaguho ng mundo ko at nagpaalis sa ngiti ng bawat isa saamin
"H-Hindi mo kami n-naaalala?" Tanong ko habang pilit pinalalakas ang loob ko
"Sino ba kayo?" Tanong nya ulit
"Ako ang mommy mo, nakalimutan mo na ba?" Sagot sa kanya ni tita Diane
Lumabas muna si mommy para tawagin ang doctor.
"M-Mommy ko po kayo?"naguguluhan nyang tanong
" Oo anak"sagot ni tita
Dumating na ang Doctor ni Char kaya tumabi na muna kaming lahat.Kinuhaan muna nila ng Blood Pressure si Char at tinignan ang pulse rate nya.
"Doc. bakit po hindi nya kami naaalala?" Tanong ko
"Hindi nya rin ako kilala" malungkot na sabi ni tita Diane
"Matindi ang naging impact sa ulo ng pasyente ng mabangga sya,kaya siguro sya nagka amnesia,Hwag nyo muna syang pilitin na alalahanin ang lahat makakasama lang sa kanya iyon" sabi ng doctor
Lumabas na ang doctor kasama ang mga nurse nya kaya naman nilapitan na namin si Char para asikasuhin.Binigyan ko sya ng tubig dahil baka nauuhaw na sya pero...
"I don't know you,and I don't need this" sabi nya saakin saka inilapag ang baso ng tubig na na ibinigay ko sa kanya sa ibabaw ng bedside table
Para akong sinasaksak sa puso ng harapan nyang sabihing hindi nya ako kilala.Gustong gusto kong ipaalala sa kanya na ako yung kaibigan nya, ako yung mahal nya.Pero hindi ko kayang ipaalala sa kanya lahat dahil sa sinabi ng duktor kanina.
"Anak kain ka muna ohh" sabi ni tita sa kanya.
Kinuha naman nya iyo at kumain ng ilang subo bago ibinalik kay tita ang pagkain,uminom lang sya ng gatas pagkatapos ay nahiga na ulit.Nakatalikod sa aming lahat na para bang ayaw nya kaming makita.
......................................
𝐂𝐡𝐚𝐫𝐥𝐨𝐭𝐭𝐞'𝐬 𝐏𝐎𝐕
Hindi ko alam, naguguluhan ako,Ano bang ginagawa ko dito?bakit ako nasa ospital at bakit hindi ko kilala ang mga nagbabantay saakin.
Pagkatapos kong inumin ang gatas na ibinigay nung babaeng nagsasabing mommy ko daw sya ay nahiga na ulit ako.Sinadya kong mahiga ng nakatalikod sa kanila,Ayoko silang makita, lalo na yung isang lalaking halos kasing edad ko lang na nagbigay ng tubig saakin kanina.
Gusto kong umalis dito, ayoko silang makita,gusto kong malaman ang lahat, kung bakit ako nandito, kung bakit hindi ko sila kilala, at kung bakit naka dextrose pa ako at may nakakabit pa saaking oxygen.
Naguguluhan ako sa nangyayari...
Gulong gulo na ang isip ko kaya pinili ko na lamang na matulog muna at magpahinga.