Chapter 18

234 11 0
                                    

(*𝐅𝐚𝐬𝐭𝐅𝐨𝐫𝐰𝐚𝐫𝐝*)

𝐀𝐝𝐫𝐢𝐞𝐥'𝐬 𝐏𝐎𝐕

First Anniversary na namin ni Char ngayon kaya andito ako ngayon sa paborito naming restaurant at naghahanda para sa surprise ko sa kanya.

Inimbitahan ko na ang lahat ng malalapit naming kaibigan andito na rin sila mommy at parents ni Char.

"Tita,susunduin ko na po si Char" nakangiti kong paalam kay tita Diane

"Sige" nakangiting sagot ni tita


Umalis na ako at sumakay sa kotse ko.Pagdating ko sa bahay nila Char ay dumiretso na ako sa kwarto nya para sunduin sya.



"Char?Papasok na ako ahh" paalam ko saka pumasok sa kwarto nya nakita ko naman sya na nag aayos na ng buhok nya sa harap ng salamin kaya nilapitan ko na sya


"Are you ready?" Nakangiti kong tanong


"Yes, I'm ready, let's go!" Sagot nya

Inalalayan ko na sya pababa, paglabas namin ay sumakay na kami agad sa kotse ko at nagsimula na akong magmaneho papunta sa restaurant kung saan nakahanda ang surpresa ko para sa kanya.


Maya-maya lang ay nakarating na kami.

"Char,bago ka bumaba pwede pang takban ko muna ang mata mo?" Tanong ko saka inilabas ang isang panyo para ipiring sa kanya


"Ano na naman bang pakana mo?HAHAHA, sige na nga payag na ako" nakangiti nyang sagot kaya naman inilagay ko na sa mata nya ang panyong hawak ko.


Lumabas na ako ng kotse at pinagbuksan ng pinto si Char.Inalalayan ko na sya palabas ng sasakyan at naglakad na kami papasok sa restaurant

......................................
𝐂𝐡𝐚𝐫𝐥𝐨𝐭𝐭𝐞'𝐬 𝐏𝐎𝐕

Hindi ko alam kung nakapasok na ba kami sa restaurant dahil wala akong kahit anong naririnig.

"Tatanggalin ko na huh" bulong ni Adri bago unti unting tinanggal ang piring.

Nagulat ako sa nakita ko pagmulat ng mata ko.Nakangiting nakatingin saakin ang mga taong malalapit saamin ni Adri pati ang parents namin ay nadoon din,andaming lobo at mga pictures namin ang nakasabit.

"Happy first Anniversary Char" nakangiting bati saakin ni Adri

"Happy first Anniversary din Adri" nakangiti kong sagot

Lumapit na kami sa parents namin para yumakap at magpasalamat.

"Happy first Anniversary sainyong dalawa,sana magtagal pa kayo" nakangiting bati saamin nila mommy

......................................

"Salamat Adri" nakangiti kong sabi

Andito kami ngayon sa seashore nakaupo sa harap ng kotse nya.Nakaupo lang kami habang pinapanood ang sunset at ang mapayapang dagat.

"I love you Charlotte" nakangiti nyang sabi kaya napangiti rin ako

"I love you too Adriel" sagot ko sa kanya

Niyakap nya lang ako ng mahigpit habang nakatitig parin sa dagat.

......................................
Being deeply loved by someone gives you strength, while loving someone deeply gives you courage.







I'm Inlove With My Bestfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon