Andito ako ngayon sa garden nakaupo habang pinagmamasdan ang magagandang bulaklak na nakatanim.Nag-iisip isip narin ako habang nakatambay dito sa garden.
"May gusto na nga ba ako sa kanya?" Tanong ko sa kawalan
What if may gusto nga ako sa kanya and hindi ko pa nalalaman dahil nga naguguluhan pa ako?What should I do now?Ano ba ang dapat kong gawin?
Siguro dapat muna akong dumistansya sa kanya, kailangan ko munang ilayo ang puso ko sa kanya para kahit papaano ay mawala ang nararamdamam ko para sa kanya dahil hindi ko dapat sya mahalin dahil bestfriend ko sya.
Nag stay pa ako ng ilang oras sa garden pagkatapos ay pumasok na ako sa bahay para kumain ng lunch.
"Manang wala pa po ba sila mommy?" Tanong ko
"Wala pa ehh,kain ka na" sagot ni manang
"Sabayan nyo na po ako,wala naman po akong kasabay ehh" yaya ko kay manang
"Sige basta kumain ka ng kumain ahh" sagot naman nya kaya nginitian ko na lamang sya
Kumain na kami ni manang,masaya sana kung kasabay namin sila mommy kaso busy sila sa trabaho.Pagkatapos namin kumain ay tinulungan ko nalang si manang na maglinis ng kitchen.
Pagkatapos namin maglinis ay nagpaalam na ako kay manang na aakyat na ako sa kwarto ko para maligo ulit.
"Manang pakitawag nalang po ako pag dumating na po sila mommy" nakangiti kong bilin kay manang
"Sige,tatawagin kita agad" nakangiting sagot nya
Umakyat na ako sa kwarto at naligo na, pagkatapos ay nagsuot na ako ng purple dress at 3inches stilettos,balak kong maggala sa mall mag isa para naman magkaroon ako ng me time hindi yung lagi kong kasama si Adri,and simula ngayon ay lalayo na muna ako sa kanya hanggang sa mawala na ang nararamdaman ko para sa kanya.
"Ang ganda ganda mo talaga" sabi ko habang nakatayo sa harap ng salamin.
Kinuha ko na ang sling bag ko at cellphone ko saka lumabas ng kwarto.Pagbaba ko ay wala parin sila mommy kaya naman pumunta ako sa kitchen para kay manang nalang magpaalam.
"Manang pag-uwi po nila mommy at wala pa ako pakisabi nalang po namasyal lang ako sa mall" sabi ko kay manang
"Kasama mo ba si Adriel?" Tanong nya
"Ahmm hindi po, it's my time for myself po kaya gusto kong mag enjoy mag isa" nakangiti kong sagot
"Babye po" paalam ko saka lumabas ng kitchen
Paalis na sana ako ng makita ko si Adri na pumasok ng gate namin kaya naman pumasok agad ako sa loob ng bahay at dumiretso sa kitchen
"Manang pag hinanap po ako ni Adri pakisabi umalis kanina pa, pag nagtanong kung saan pakisabi hindi nyo po alam, wag nyo po syang papaakyatin alis na po ako" nagmamadali kong bilin kay manang bago nagtatakbo paakyat sa kwarto ko
Pag pasok ko sa kwarto ko ay agad kong ini lock ang pintuan.Hindi ko alam kung paano ako tatakas, Hindi ko alam kung ano ang gusto kong takasan,kung sino ang tinatakasan ko at kung bakit ako tumatakas.Ang alam ko lang ay gusto kong ilayo ang puso ko sa taong nagpapatibok nito,gusto kong alisin ang kakaibang nararamdaman ko sa kaibigan ko.
......................................
𝐀𝐝𝐫𝐢𝐞𝐥'𝐬 𝐏𝐎𝐕Andito ako ngayon sa bahay nila Char gusto ko kasi sanang maggala sa mall kasama sya,wala naman kasi akong ibang maisasama.
"Manang asan po si Char?" Tanong ko sa mayordoma nila.
"Ahh si Charlotte?Wala sya eh kanina pa umalis bakit?" Tanong ni manang
"Ahh ganun po ba,akyat po muna ako sa gaming room, dun ko nalang po sya hihintayin" paalam ko bago lumakad paalis
"Teka!Wag kang aakyat" pigil saakin ni manang
"Bakit naman po?dati pa naman po ako umaakyat dun kahit wala sila mommy Diane" paliwanag ko
Nakakapagtaka naman,wala si Char at bawal umakyat sa taas?Hindi kaya?Hindi kaya gusto nyang masolo ang gaming room para makapag pataas ng score at matalo ako?napaka daya naman nya dapat labanan nalang nya ako.
"Saan nalang po nagpunta si Char?susundan ko nalang po gusto ko rin kasi maggala" tanong ko
"Hindi ko alam eh, hindi nya nasabi sakin bago umalis" sagot ni manang
"Ahh ganun po ba sige po balik nalang po ako bukas, pakisabi nalang po sa kanya pag uwi nya na dumaan ako" paalam ko
"Sige iho, mag ingat ka" manang
Nginitian ko na lamang si manang bago tuluyang umalis.
......................................
𝐂𝐡𝐚𝐫𝐥𝐨𝐭𝐭𝐞'𝐬 𝐏𝐎𝐕Pinuntahan ako ni manang kanina sa kwarto para sabihing umalis na si Adri.Buti nalang hindi sya nagduda,Paano ko kaya sya maiiwasan ng hindi sya nakahahalata?
Past 7 ng makauwi sila mommy galing sa office,pagkakain namin ng dinner ay agad ko silang pinuntahan sa kwarto nila.
"Mommy?Daddy?Pwede po ba akong pumunta ng Japan?or kahit sa korea nalang po or Paris?" Tanong ko
"Bakit anak?" Tanong ni mommy
"Ahmm wala naman po gusto ko lang po sanang magtravel out of the country" pagsisinungaling ko
"Sige basta isama mo si Adriel" sagot ni daddy
"Gusto ko po sanang magtravel mag-isa, pwede po ba?kahit 3months lang po"
"Kung gusto mong magtravel mag isa,1month lang Charlotte ayokong mapalayo ka saamin ng daddy mo ng matagal na walang kasama kaya 1month lang" sagot ni mommy
"Sige po mommy ok na po yun, thankyou po,pwede po bang next day na ako lumipad?" Tanong ko
"Parang ambilis naman anak,hindi ka ba magpapaalam sa mga kaibigan mo saka kay Adriel?" Tanong ni mommy
"Hindi na po mommy ayoko pong hanapin nila ko at sundan" sagot ko
"Okay sige kung iyan ang gusto mo, basta mag iingat ka" sagot ni mommy
"Opo mommy, daddy, Thankyou poooo I love you, goodnight po hehe" pasasalamat ko bago yumakap sa kanila at pumunta na sa kwarto ko
Pagpasok ko sa kwarto ay natulog na ako,hindi ko na maintindihan ang sarili ko basta gusto ko lang magpakalayo layo para alisin ang nararamdaman ko para sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/235482946-288-k856657.jpg)