𝐂𝐡𝐚𝐫𝐥𝐨𝐭𝐭𝐞'𝐬 𝐏𝐎𝐕
Na discharge na ako sa ospital pero wala pa rin akong naaalala.Inilabas na nila ako at iniuwi sa isang malaking mansion,ang sabi nila ay dito daw ako nakatira noon.
Hindi ko alam kung babalik pa nga ba ang mga alaalang nakalimutan ko na.Susubukan ko nalang na pakisamahan ang mga taong nakapaligid saakin.
Hahayaan ko nalang na gumawa ulit ng mga bagong alaala saakin ang tadhana...
"Welcome home Charlotte" nakangiting bati saakin ng isang matandang babae pagpasok namin ng bahay
"S-sino po sya?" Tanong ko kay mommy
"Sya si Manang Elo,mayordoma natin at isang kaibigan" nakangiting sabi ni mommy
"Hello po" nakangiting bati ko
"Kumain na ba kayo?naghanda kami ng mga makakain ninyo" sabi ni manang
"Elise dito na kayo kumain" nakangiting sabi ni mommy sa mommy ni Adriel
"Sige" nakangiti nyang sagot
"Uhmm mom?gusto ko pong magpahinga" sabi ko
"Yaya!pakihatid nalang si Charlotte sa kwarto nya" utos ni mommy
Sumunod na ako sa initusan ni mommy paakyat.Huminto kami sa isang kwarto at pinagbuksan na nya ako ng pinto kaya naman pumasok na ako.
"Salamat po" sabi ko
Nginitian nalang nya ako bago tuluyang umalis.Pagpasok ko ay nakita ko naman agad ang kama kaya nahiga na muna ako.
Natulog na muna ako para makapagpahinga at makabawi ng lakas.......................................
"Mahal kita!Adri mahal kita" umiiyak kong sabi
"Pero magkaibigan tayo Char!" Sagot nya
"Yun na nga ehh!Magkaibigan tayo kaya hindi pwede!" Sigaw ko habang wala paring tigil sa pag hagulgol
......................................
Bigla akong nagising,dahil sa sobrang sakit ng ulo ko at dahil na rin sa napanaginipan ko.
"Ahhhhh" sigaw ko ng muling kumirot ang ulo ko
Napahawak ako sa ulo at pinagsasabunutan iyon sa sobrang kirot na nararamdaman ko, bigla nalang may mga alaalang pumasok sa isip ko.
......................................
"S-sorry!?Sorry dahil pinaparamdam mo sakin na wala akong kwentang kaibigan!?Dahil madalas kitang pagtripan at saktan kaya ka umalis para makaganti!?" Pasigaw nyang tanong habang pinipigilan ang mga luhang kanina pa gustong kumawala sa mga mata nya
"S-Sorry if I make you feel like that" sagot ko
"Akala ko ba magkaibigan tayo?"kalma na nyang tanong
"Yun na nga eh!Magkaibigan tayo Adri!Magkaibigan tayo at halos kapatid na ang turing mo saakin!Magkaibigan tayo kaya H-hindi ki-kita dapat M-ma-mahalin ng higit pa d-doon!K-kaya ko pi-piniling lumayo!lumayo sayo kahit isang buwan lang, Adri!"
......................................
Naguguluhan ako sa mga naaalala ko pero isa lang ang alam ko.Naiintindihan ko na kung bakit humihingi sya saakin ng sorry noon."Kasalanan mo!Kasalanan mo ang lahat!Bakit ba kita minahal!?" Sigaw ko dahil gulong gulo na ako
Gusto ko syang sisihin, gusto ko syang sumbatan.Kung hindi sya nangulit noon hindi sana ako sumabog hindi sana ako tumakbo at higit sa lahat hindi sana ako naaksidente,Hindi sana ako nabangga.
......................................
Bumaba ako para uminom ng tubig para makakalma.Pagbaba ko ay nakita kong nandoon parin si Adri kasama ang parents ko.Kaya lumapit muna ako dahil lahat sila ay nakatingin saakin.
"Bakit ka bumaba?may kailangan ka ba?" Tanong ni mommy
"No,nauuhaw lang po ako mommy" sagot ko
Naglakad na ako papuntang kitchen ng may naalala ako,Si Adri,ayokong nandito sya,I know na magkaibigan kami pero may part parin saakin na nagsasabing kailangan kong magalit sa kanya.
"By the way, why are you still here, Adri?" Sarkastiko kong tanong
"N-Naaalala mo na ako?" Masaya nyang tanong
"Yes,naaalala ko na ang lahat, lahat lahat,So now I'm asking you, why are you still here?"ulit kong tanong
" Anak,ano bang pinagsasasabi mo,diba nga lagi syang nandito"singit ni mommy
"No!Because of him kaya ako naaksidente,kung hindi nya sana ako pinilit sagutin ang tanong nya,hindi ako sasabog at hindi ako tatakbo paalis sa sarili kong bahay!So now tell me, dapat pa ba talaga syang nandirito?" Tanong ko
"S-sorry Char,I know it's all my fault,kaya nga nagsisisi na ako,Char mahal din kita!" Sagot ni Adri
"Get out of my face!Now!" Sigaw ko
"Charlotte!Ano bang nangyayari sayo?hindi na ikaw yung anak kong pinalaki ko!" Sigaw ni mommy
Hindi ko alam kung bakit ko nagagawa ang mga ito basta ang alam ko nagagalit ako.Ayokong saktan sila kaya ako nalang ang umalis sa harap nila,tumakbo nalang ako paakyat sa kwarto ko at isinubsob ang mukha ko sa unan ko at duon umiyak ng umiyak.