Ngayon ang araw na babalik na kami ng Manila.Yes tapos na ang 1month vacation namin dito sa Pangasinan.
"Oh andito na ba lahat ng gamit?" Tanong ni Daddy na abala sa pag aayos ng mga gamit namin sa compartment ng kotse.
"Yes po daddy" sagot ko naman
"Mauna na kami huh" paalam ni mommy Elise bago sumakay sa kotse nila
"Bye po mommy Diane daddy Dion, Bye Char!see you nalang sa Manila!" Paalam ni Adri bago sumakay na rin sa sasakyan nila
"Bye!!!" Sigaw ko nalang bago sumakay narin sa sasakyan namin.
Maya maya lang ay naiayos na ni daddy ang lahat ng gamit namin sa compartment kaya sumakay na rin sila ni mommy sa kotse at nagsimula ng paandarin ni daddy ang kotse.
Isinuot ko muna ang headphones ko at nagpatugtog ng music.Maya maya ay umidlip muna ako dahil malayo pa naman kami sa Manila at matagal tagal pa bago kami makarating.
......................................
𝐀𝐝𝐫𝐢𝐞𝐥'𝐬 𝐏𝐎𝐕
Past 9 na ng makarating kami ng Manila kaya naman pagdating namin nila mommy sa bahay ay dumiretso na agad ako sa kwarto ko para magpahinga.
"Nakauwi na rin kaya sila?" Tanong ko sa sarili ko
Dahil hindi pa naman ako inaantok kinuha ko muna ang cellphone ko sa bedside table ko at tinipa ang number ni Char.Ilang sandali lang ay sinagot naman nya agad iyon.
"Oh ba't ka naman nang iistorbo gabing gabi na kaya!" Sigaw nya sa kabilang linya
"Sorry naman, nakauwi na ba kayo huh panget?" Tanong ko sa kanya
"Oo kanina pa at natutulog na ako ng mang istorbo ka!"
"Sorry okay, sige na matulog ka na ulit,baka mamaya lalo ka pang pumanget!HAHAHA" Pang aasar ko sa kanya
"Siraulo!" Pahabol nya bago ako pinatayan ng telepono
Ibinalik ko na ang cellphone ko sa bedside table at pinilit makatulog.
......................................
𝐂𝐡𝐚𝐫𝐥𝐨𝐭𝐭𝐞'𝐬 𝐏𝐎𝐕
Pagkapatay ko sa cellphone ko ay inilapag ko na ulit iyon sa bedside table ko at natulog ulit
"Ahhh nakakainis naman!" Sigaw ko dahil hindi na ako makatulog
Antok na antok na ako pero hindi na ako makatulog dahil sa pang iistorbo ni Adri kanina.Bumaba ako at pumunta sa kitchen para uminom ng tubig nakita ko naman si manang na nagtitimpla ng gatas
"Hindi rin po kayo makatulog?" Nakangiting tanong ko
"Oo anak eh, ikaw bat gising ka pa?" Tanong nya rin
"Si Adri po kasi biglang tumawag tapos ayun hindi na po ako makatulog" sagot ko
"Nililigawan ka na ba ni Adriel?" Nakangiting tanong ni manang
"Po?Hindi po ahh,Magkaibigan lang po kami" sagot ko naman kay manang
"Alam kong higit pa ang nararamdaman mo para sa kanya,hindi mo pa naiintindihan sa ngayon dahil masyadong magulo ang damdamin mo" mahabang sagot nya
"Hindi po manang kaibigan ko lang po talaga sya promise" sagot ko at itinaas ko pa ang kanang kamay ko
"Oh eto inumin mo na tong gatas ng makatulog ka na" sabi nya bago iniabot ang baso ng gatas na tinimpla nya kanina
"Pero diba po sa inyo yan?" Tanong ko
"Sayo na yan, inaantok narin naman ako,basta kapag dumating ang araw na ma realize mong mahal mo ang kaibigan mo, huwag mong pipigilan ang puso mo,ipagtapat mo agad sa kanya" nakangiti nyang payo
"Sige na umakyat ka na babalik na ako sa kwarto" paalam ni manang"Sige po, goodnight salamat po sa milk" sagot ko saka naglakad paakyat
Pagpasok ko sa kwarto ay inilapag ko muna sa bedside table ko ang gatas at nag isip isip.Hindi ko nga naiintindihan ang puso ko pero i'm sure na mahal ko si Adri AS A FRIEND at wala ng lalagpas pa dun.
Ininom ko na ang gatas ko at nahiga na ulit para makatulog.Hindi ako nagkamali dahil ilang segundo lang pagkatapos kong mahiga ay dinalaw na ako ng antok.
......................................
Tanghali na ng magising ako dahil antok na antok ako kagabi.Tumayo na ako at pumunta sa cr para maligo.Pagkaligo ay nagsuot lang ako ng short at oversized shirt dahil wala naman akong lakad ngayon.Bumaba na ako para sumabay kila mommy na mag breakfast.
"Goodmorning po mom, dad" nakangiti kong bati bago sila halikan sa pisngi
"Goodmorning Charlotte anak" bati rin ni mommy
"Let's eat?" Yaya ni daddy
Tahimik lang kaming kumain pagkatapos ay umalis na sila mommy at daddy para sa business meeting nila at ako naman umakyat sa movie room namin para manood.
Hindi ko na itinuloy ang panonood dahil masyadong boring mag isa kaya bumaba nalang ako para magpunta sa garden para makalanghap ng sariwang hangin.