𝐀𝐝𝐫𝐢𝐞𝐥'𝐬 𝐏𝐎𝐕
Mahimbing ng natutulog ngayon si Char mukha talaga syang anghel pag tulog, mabait naman sya kaso laging may saltik.Dahan dahan ko ng inilipat ang ulo nya sa unan nya bago sya kinumutan, Bago ako lumabas ng kwarto nya ay hinalikan ko muna sya sa noo, sana makatulog sya ng maayos.
Pagkalabas ko ng kwarto nya ay saka ko lang nakita na sobrang kalat pala ng sala ng unit namin.Bago ako pumasok sa kwarto ko ay iniligpit ko na muna ang gaming consoles namin at iba pang kalat.Pagkatapos ay pumasok na ako sa kwarto ko at natulog na.
......................................
𝐂𝐡𝐚𝐫𝐥𝐨𝐭𝐭𝐞'𝐬 𝐏𝐎𝐕
Naalimpungatan ako dahil sa malamig na simoy ng hangin,napansin kong wala na pala si Adri sa kwarto ko siguro ay natutulog na sya ngayon,tinignan ko na muna ang oras sa cellphone ko.
"4:30??" Tanong ko sa sarili ng makita ang oras sa cellphone ko
Sinubukan kong muling matulog pero kahit anong pilit ko ay hindi na ako makatulog ulit kaya napagdesisyunan kong lumabas muna ng kwarto.
Paglabas ko ng kwarto ko ay naupo muna ako sa sofa.Napansin ko ring napakalinis na ng sala's hindi katulad kagabi ng matulog ako, siguro nilinis na ni Adri, bubungangaan nanaman ako nun bukas dahil hindi ako ang naglinis kagabi.
Habang nagpapalipas ng oras sa sala's ay biglang nagbukas ang kwarto ni Adri, nakita ko syang lumabas ng kwarto habang kinukusot ang mata, naalimpungatan rin siguro sya.Pumunta sya sa kusina para kumuha ng baso papasok na sana sya ulit sa kwarto nya ng mapansin nya ako.
"Ano'ng ginagawa mo dito?Malamig bumalik ka na sa kwarto mo" Sabi nya
"Nagpapaantok lang ulit, naalimpungatan kasi ako, sobrang lamig kasi sa kwarto ko,ikaw ba't ka nagising?" Sagot ko sa kanya
"Ahh ganun ba,nauhaw kasi ako ehh" sagot nya saka umupo sa isa pang sofa
"Malamig sa kwarto mo?" Tanong ni Adri
"Oo eh" sagot ko
"Matulog ka na dun sa kwarto ko hindi malamig dun"
"San ka matutulog?" Tanong ko
"Dito nalang ako sa sofa kasya naman ako dito ehh, sige na pasok na dun madilim pa kaya matulog ka pa" sagot nya saka ako hinila papasok sa kwarto nya saka sya bumalik sa sala dala ang extrang unan at kumot kaya nahiga na ako sa kama at pinilit ang sariling matulog.
......................................
May araw na ng magising ako,inayos ko muna ang hinigaan ko bago lumabos ng kwarto ni Adri, paglabas ko ay nakita ko namang nakaayos na sya nakaligo na rin sya at mukhang ako nalang ang iniintay nya kaya naman naligo na rin ako saka nagsuot ng white simple dress.
"Dumating na ba sila mommy?" Tanong ko kay Adri
"Oo kani-kanina lang, nagpapahinga na sila ngayon sa kwarto nila" sagot nya
"San daw tayo kakain?Nagugutom na ko ehh" reklamo ko habang hinihimas pa kunyari ang tyan
"Mamaya pa daw tayo baba sa resto sabi ni mommy para sabay sabay tayong lahat, kung nagugutom ka na pwede naman kitang ipagluto alam ko namang patay gutom ka HAHAHA" Pang aasar nanaman nya, nagsisimula nanaman sya
"Mana lang ako sayo, patay gutom ka rin ehh HAHAHAH" balik na asar ko sa kanya.
"Maupo ka na dyan pagluluto na kita" sagot nya