(𝙵𝚊𝚜𝚝 𝙵𝚘𝚛𝚠𝚊𝚛𝚍)
𝐂𝐡𝐚𝐫𝐥𝐨𝐭𝐭𝐞'𝐬 𝐏𝐎𝐕
Napakabilis ng panahon parang kahapon lang ay mga bata pa kami at naglalaro.Masaya ako dahil hindi ako nagkamaling mahalin sya,kahit pa halos tatlong taon na kaming magkarelasyon ay araw araw parin nya akong nililigawan gaya ng ipinangako nya.
"Let's go?" Tanong ko
Ngayong araw ay bibisita kami sa resort nila sa Batangas para kamustahin ang parents nya.Yes,nasa Batangas ang Parents ni Adri dahil inaasikaso nila ang pagpapatakbo ng resort nila.
"Sakay na kamahalan" natatawang sabi saakin ni Adri bago ako inalalayang sumakay sa kotse
Sumakay na rin si Adri at nagsimula ng magmaneho.
"Medyo malayo layo ang Batangas, matulog ka na muna, gigisingin nalang kita pag andun na tayo" nakangiti nyang sabi saakin
"Ayoko nga,baka antukin ka pag wala kang kausap kaya hindi ako matutulog" sagot ko habang umiiling iling pa
"Aww ang sweet naman ng mahal ko, halika nga yayakapin kita" natatawa nyang sagot at talagang niyakap nga ako
"Anong sweet ka dyan?Natatakot ako baka pag inantok ka maaksidente tayo,wag kang masyadong assuming" sagot ko sa kanya habang nagpipigil ng tawa dahil sa reaksyon nya
Asar na asar sya dahil napahiya sya HAHAHA.
"Napipikon ka na?HAHHAHA" Pang aasar na tanong ko sa kanya
"Ba't ako mapipikon eh alam ko namang mahal mo ako" nakangisi nyang sagot habang diretsong nakatingin sa kalsada.
"Pero syempre mas mahal kita" dagdag nya pa kaya naman napangiti nalang ako
......................................
𝐀𝐝𝐫𝐢𝐞𝐥'𝐬 𝐏𝐎𝐕"Hindi ka pala matutulog ahh" natatawa kong sabi sa tulog na tulog na si Char
Andito na kami sa resort pero hindi parin kami bumababa ng sasakyan dahil napakasarap ng tulog ng babaeng kasama ko...
"Nakanganga ka pa HAHAHA" sigurado akong mabubugbog ako nito kapag nalaman nyang pinagtatawanan ko sya habang tulog sya
"Char, Gising na, andito na tayo" panggigising ko sa kanya
"B-bakit?Inaantok pa ko ehh" sagot nya habang kinukusot kusot ang mata nya
"Ang cute cute mo talaga" nakangiti kong sabi saka pinagkukurot ang pisngi nya para magising na sya
"Aray!Ansama mo talaga!Natutulog pa ko ehhhh" reklamo nya habang hinahampas hampas ako
"Tara na kasi, kanina pa tayo hinihintay nila mommy" sagot ko
"Huh!?Andito na tayo?Ba't di mo agad sinabi!?" Sunod sunod nyang tanong
"Kanina ko pa po sinasabi sainyo kamahalan" natatawa kong sagot sa kanya
Bumaba na ako at pinagbuksan narin sya ng pintuan.Pumasok na kami ng hotel at umakyat na sa kwarto nila mommy.
"Ohh buti naman nandito na kayo" nakangiting bati saamin ni mommy
"Na traffic ba kayo?" Tanong ni daddy
"Hindi po,ang sarap kasi ng tulog nung isa dyan, kanina pa po kami nasa baba" natatawa kong sagot
Kinurot naman ako sa tagiliran ni Char kaya napatawa nalang.
"Hindi po totoo yun tito,hindi kaya ako natulog" Sabi nya
"Wehh?Naka nganga ka pa nga ehh" pang aasar ko pa
"Tita ohhh" sumbong nya kay mommy
Tawa ng tawa sila mommy at daddy dahil sa inaasta namin ni Char.
"Ilang taon na ang nakalipas,anlalaki nyo na pero mga isip bata parin kayo HAHAHA" natatawang sabi ni mommy
Nagpaalam na kami ni Char kay mommy at daddy at nagpunta na kami sa kanya kanya naming kwarto.Pagpasok ko sa kwarto ko ay natulog na agad ako.
......................................
𝐂𝐡𝐚𝐫𝐥𝐨𝐭𝐭𝐞'𝐬 𝐏𝐎𝐕Pagkatapos naming magpaalam ni Adri sa parents nya ay nagpunta na kami sa kanya kanya naming kwarto, pagpasok ko sa kwarto ko ay nag half bath lang ako sandali pagkatapos ay nahiga na sa kama ko.
"Ang saya ko ngayon,ansaya pala sa pakiramdam kapag kasama mo ang taong mahal mo" bulong ko sa kawalan
"Salamat dahil minahal mo rin ako" nakangiti kong sabi
Maya maya lang ay dinalaw na ako ng antok kaya pumikit na ako at nagpadala sa antok ko hanggang sa makatulog na ako.
......................................
Fall Inlove but don't forget to enjoy your life and do all the things that can bring happiness in your life.