𝐂𝐡𝐚𝐫𝐥𝐨𝐭𝐭𝐞'𝐬 𝐏𝐎𝐕
Halos isang buwan na ang nakalipas pagkatapos ng pagkikita namin ni Adri sa mall.Araw araw ko syang napapansin na pabalik balik sa bahay pero umiiwas sya saakin.
From: Christian
Pwede ba tayong magkita?
Basa ko sa message ni Christian.Isang buwan na kaming nagpapanggap na magkarelasyon kaya medyo close na kami sa isa't isa,magkaibigan na rin kaming dalawa.
To: Christian
Why?
From: Christian
Basta,May importante lang akong sasabihin
To: Christian
Ok
Nag ayos na ako ng sarili ko at kinuha ko na ang sling bag ko at lumabas na ng kwarto.Pagbaba ko ay naabutan ko si Adri na kausap sila mommy kaya naman hindi na ako nagpaalam sa kanila dahil ayokong makita ako ni Adri.
Pagkarating ko sa Cafe ay nakita ko naman agad si Christian sa isang table malapit sa bintana kaya naman lumapit na ako agad.
"Ano bang sasabihin mo at kailangan pa nating magkita?" Tanong ko
"Ahmm Charlotte, ano kasi ehh" nahihiya nyang sabi
"Ano ba yun?"
"Charlotte mahal kita, pwede bang manligaw?" Mabilis nyang tanong habang nakayuko
"Christian?Alam mo naman diba" Sagot ko
"Alam ko namang si Adriel parin ang mahal mo hanggang ngayon, kaya mo nga sya pinagseselos diba?Pero sana hayaan mo akong iparamdam kung gaano kita ka mahal,ok lang sakin kahit hindi mo masuklian yung pagmamahal na ibibigay ko sayo" sabi nya habang diretsong nakatingin sa mga mata ko
"Ayokong magmukha kang tanga Chris kaya itigil mo na yang nararamdaman mo,una na ako" sagot ko saka tumayo na at umalis
Pagdating ko sa bahay ay nakita kong nadoon parin si Adriel kaya naman dumiretso na ako sa hagdan,aakyat na sana ako ng...
"Char?Pwede mo ba 'kong kausapin?" Tanong nya
Bumaba naman ako para harapin sya.Napangiti naman ako ng makita ang mukha nya, Wala parin syang pinagbago, ang cute parin nya.
"About what?" Kalmado kong tanong