𝐂𝐡𝐚𝐫𝐥𝐨𝐭𝐭𝐞'𝐬 𝐏𝐎𝐕
Isang linggo na kami dito sa resort,pinapunta rin dito nila tita Elise sila mommy at daddy.Hindi ko alam pero andito na rin ang mga kaibigan namin ni Adriel at ilang family friends.
"Ano bang meron?" Tanong ko
"Saan?" Tanong ni Adri
"Dito, ngayon, bakit halos lahat ng kakilala natin andito?" Tanong ko ulit
"Wag mo ng tanungin,akyat ka muna sa kwarto mo,magbihis ka ng maganda may pupuntahan tayo" nakangiti nyang sabi
"Ok,akyat na ko" sagot ko nalang
Hinalikan nya muna ako sa noo bago ako paalisin,natatawa nalang ako dahil sa tuwing gagawin nya iyon ay para syang bata.
Gaya ng sinabi nya ay umakyat na ako sa kwarto ko, naligo muna ako sandali.Pagkatapos ay namili na ako ng dress na isusuot.
Isang plain white dress lang na 2inch above the knee ang isinuot ko.Naglagay lang ako ng pulbos at kaunting liptint pagkatapos ay pinatuyo ko na ang buhok ko,hinayaan ko lang na nakalugay ang mahaba kong buhok.
Kinuha ko na ang sling bag ko at lumabas na.Pagkababa ko ay nakita ko naman na nakabihis na rin si Adri.Nginitian naman nya ako, paglapit ko ay kinuha na agad nya ang kamay ko at nagsimula na kaming maglakad.
......................................
𝐀𝐝𝐫𝐢𝐞𝐥'𝐬 𝐏𝐎𝐕
Naglalakad lakad lang kami ngayon ni Char dito sa dalampasigan habang magkahawak kamay.Balak ko ng mag propose sa kanya ngayon,nakapagpaalam na ako sa parents nya at sa parents ko.Iyon ang dahilan kung bakit nandito na sa resort ang lahat ng close friends namin at family friends,gusto kasi nila tita pagkapropose ko ay tatlong araw lang kasal na agad.
Nakaayos narin ang lahat,may venue na, may catering na,may mga designs na rin,wedding gown nalang ni Char ang kulang.Gusto nila tita at mommy ay Beach wedding kaya dito namin sa resort gaganapin ang kasal.
Andito kami ngayon ni Char sa restaurant ng resort at kumakain.Andito rin ang mga kaibigan namin.Balak ko sanang imbitahan si Christian pero hindi daw sya makakapunta dahil papunta syang states.
......................................
𝐂𝐡𝐚𝐫𝐥𝐨𝐭𝐭𝐞'𝐬 𝐏𝐎𝐕Kumakain kami ngayon ni Adri dito sa resto ng resort.Nagulat ako ng bigla syang lumuhod sa harap ko, akala ko ay mag aayos lang sya ng sapatos nya pero...
"Charlotte Villareal, Will you mary me?" Nakangiti nyang tanong
Napatulala ako sa tanong nya,nakita ko rin na nakapalibot na saamin ang lahat ng mga kaibigan namin.Ngayon naiintindihan ko na kung bakit biglang nagdatingan ang mga kaibigan namin.
"Char?Will you marry me?" Ulit nyang tanong
"Yes" nakangiti at naluluha kong sagot
Isinuot na nya sa daliri ko ang singsing at tumayo na para yakapin ako.
"Salamat Char,hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon" bulong nya habang yakap yakap parin ako
"I love you" bulong nya ulit
"I love you too" pabulong ko ring sagot.
Nagkakaingay na ang mga taong nakapalibot saamin.Napangiti nalang ng makita ang mga nakangiti nilang mukha.Simula pagkabata namin ay nakasubaybay sila hanggang ngayon.
......................................
Pagkatapos ng wedding proposal na naganap ay diretso Engagement party na agad.Ipinaliwanag na saakin ni mommy ang lahat kaya alam ko na rin na sa lunes na pala ako ikakasal.Nakakatuwa lang dahil nagawa nilang ayusin at pagplanuhan ang lahat ng hindi ako nakakahalata.
"Congratulations sainyo" mga pagbating naririnig namin buong gabi.
Maghahating gabi na ng matapos ang party kaya umakyat na ako sa kwarto ko.Nagbabad lang ako sa tubig sandali habang pinagmamasdan ang singsing na ibinigay saakin ni Adri.Ang ganda, napaka ganda...
(A/N: sabay sabay po tayong mainggit kay Char at mapaSanaol HAHAHAH🤣)Umahon na ako sa tubig at nagsuot na ng pantulog.Natulog ako ng may matatamis na ngiti sa mga labi.
......................................
Nakapagpasukat na ako ng wedding gown.Nakaayos na rin ang lahat ng kailangan sa kasal namin kaya naman nagrerelax relax nalang kami ngayon habang hinihintay ang araw ng kasal namin.