CHAPTER 31

10 2 0
                                    


Nagmadali akong lumabas ng aking sasakyan nang makitang nakasakay na siya sa elevator, 



Pinagmasdan ko sa floor indicator kung saang floor siya lalabas at napagtantong 18th floor iyon. 



Nagmadali ako sa pagtakbo paakyat ng hagdan upang mahabol siya at nang nasa 18th floor na ako ay agad akong lumabas, 



Maraming pinto ang bumungad sa akin paglabas ko, tahimik akong naglakad at sinubukang hanapin siya, nagbabakasakaling maabutan pa.



Pagkaliko ko ay agad akong nagtago nang makita ko siyang hinahanap ang susi ng kwarto niya, nang makapasok siya ay tahimik akong naglakad papunta sa kwartong pinasukan niya. Inilabas ko ang aking phone at kinuhaan ng litrato ang room number niya kung sakaling makalimutan ko ito.



"18D" I whispered,



Agad akong tumakbo nang makita kong umikot ang doorknob nito, hudyat na may taong papalabas.



Bumaba na ko sa basement at sumakay sa aking sasakyan, inayos ko ang seatbelt ko nang may nakitang kulay asul na papel na nakaipit sa upuan na katabi ko.



Natawa ako sa ginawa niya at naalalang ganoon na siya rati pa,



Umalis na ako at umuwi na pagkatapos, nang makauwi ako sa bahay ay sinalubong ako ni Caleb ng mga tanong tungkol kay Sachi,



"Kuya, you went to Batanggas with Ate Sachi?"



"Kuya, when siya uuwi?"



"Kuya, ihahatid mo ba siya to the airport?" Caleb repeatedly asked,



"Go sleep now, Cal" I said before closing the door of my room.




I opened the lights and sat on the edge of my bed, I always smile after seeing Sachi's gift to me three years ago. I held the portrait sketch of me and stared on it, never ko itong itinago at laging nakadisplay sa side table ko.




I took my clothes off and went to the bathroom to take a shower, 




I closed my eyes, hot shower, water running down on my body,  deep sigh, deep thoughts.

When The Nightingale SingsWhere stories live. Discover now