Graduation
The year passed by very fast.
Ito na ang araw na pinakahinihintay naming mga senior high. Ang araw kung saan ibibigay sayo ang lahat ng pinaghirapan mo sa isang taon na pag-aaral. Nandito ako ngayon sa bahay at nag aayos. Kani-kaniya kami nina Issa ng punta roon dahil yun ang napag usapan namin kahapon. Masaya ako dahil nakapagtapos na ako ng senior high pero may parte saakin na nalulungkot dahil magkaka-hiwahiwalay kami ng mga kaibigan ko.
"Ayan! Ang ganda mo na!" sabi ni Lola na kanina pa ako inaayosan. Siya kasi ang nagvolunteer na ayusan ako kahit na marunong na naman ako. Ngumiti lang ako sakanya at tiningnan niya lang ako.
"Bakit? Hindi ka ba masaya na nakatapos ka na ng senior high school, Apo?" tanong nito saakin.
"Uhm. Masaya naman po ako Lola, sadyang kinakabahan lang po ako." sagot ko sakaniya. Nginitian lang niya ako at umupo sa kama na inuupuan ko.
"Bakit ka naman kinakabahan?" tanong nito saakin habang pinipisil ang kamay ko.
"Hindi ko po alam hehe." natawa nalang siya sa isinagot ko kaya bahagya niyang pinitik ang noo ko.
"Awtsuuu" kunwari'y hawak ko sa noo ko. Hindi naman siya masakit hahaha
"Tsk. Halika na at baka malate pa tayo sa seremonya." hinatak na ako ni Lola pagkalabas.
Nakatoga ako kaya kamuntikan pa akong matapilok dahil nakasuot pa ako ng sandals. Natawa nalang kami pareho.
7:00am magsimula ang ceremony at 6:30am palang ngayon. Pumapara si Lola ng pinicturan ko siya, ang ganda kasi. Yung kahit matanda na siya at may mga wrinkles na e maganda parin. Bago kami nakasakay e nagpapicture muna kami sa driver na panay ang tingin saamin or baka saakin. Mga 20 photos ata napicture niya saamin kasi nag enjoy na naman daw siya at natutuwa sa kay Lola dahil panay banat si Lola sakaniya.
Nang dumating na kami sa court kung saan gaganapin ang graduation namin ay dali-dali kong nakita sina Issa pero imbes na sakanya ako tumingin eh kay George napadako ang tingin ko. Nakasuot siya ng pormal na para bang may iba pang pupuntahan.
He looks gorgeous.
Napaka gwapo.
Ngumiti ako sakaniya bago tiningnan sina Issa na nakatingin rin pala saamin. Oo, alam na nilang magkaibigan na kami ni George and they both jealous. Kapag kasi magkakasama kami e lagi nalang ang sweet ni George, yun bang kapag hinahatid nila ako eh ikikiss niya ako sa pisngi katulad ng parati nilang ginagawa saakin.
Ewan pero kinikilig ako.
Nagpicture-picture muna kami bago luminya. May pictures narin kami ni George na iba iba ang pose. May nakasimangot ako dahil inaasar niya ako, may nakasimangot rin siya, may nakawacky kami pero mas marami ang maayos namin na picture.
Nakahawak siya sa beywang ko habang nakangiti kami pareho. We both looked sweet. Kanina pa nga kami inaasar nina Issa at Tiffany dahil para raw kaming magjowa kung makitungo sa isa't isa.
Tapos sinasabi pa nila saakin na hindi daw ganun si George kung makitungo sa babae dahil ang cold cold daw nito pero mula nang makilala daw ako eh naging clingy na siya saakin. Wala naman akong masabi dahil ganun din naman ako ng una naming pagkikita.
Akala ko nga cold siya tapos masungit pero hindi pala. Minsan nga sinasabi saakin nina Tiffany na crush daw ako nito pero binabaliwala ko lang dahil ayoko mag expect at baka masaktan pa ako. Masakit pa naman mag-assume na gusto ko ng tao tapos hindi pala.
Tapos na mag speech lahat ng guests namin and isa na naman si George doon. Naiinis nga ako kanina pa dahil dito sa mga kaklase ko na panay picture kay George nung nasa stage siya e, grabe pa sila kung humagikhik, hindi nalang sila makinig sa sinasabi nito e. Nakasimangot ako buong ceremony pero nawala lang ng tinawag na yung mga honor students.

BINABASA MO ANG
HATE ME, DATE ME (COMPLETED)
RomanceVillarine Annette Rosario. The girl who's full of love and dream. A girl who only wants the best for everyone. She's like an angel that fallen by the sky. An angel who makes everything feels better. She's full of love and vitality. Her life is almo...