Chapter 08

127 77 3
                                        

Yes

It's been one and half year since George started courting me.

Fresh na fresh parin talaga saakin ang ala-ala nang pag-amin niya saakin noon. Everytime nga na naaalala ko yun e halos mangisay ako sa kilig. He's so sweet at hindi parin talaga nagbago yun until now.

Siya ang naghahatid-sundo saakin everyday kaya halos lagi silang magkita ni Lola. Alam na rin ni Lola na nanliligaw ito saakin dahil nabanggit ko ito sakaniya one time pero ang ipinagtataka ko ay medyo nagiging weird si Lola tuwing nandyan si George.

Yung tipong nagiging tahimik ito tapos tititigan niya si George ng matagal. I know that George felt it too pero hindi siya nagsasalita. He ignores Lola stares.

"Let's go?" ani George habang hawak-hawak ang kamay ko.

"Sure." ngiting sagot ko.

Nagpaalam na kami kay Lola na hinatid kami rito sa labas. I kissed her cheeks before going at tumango lamang si Lola noong si George na nagpaalam.

"Alis na po kami Lola." sabi nito.

Nang makaalis na kami'y tiningnan ko muna si Lola, she looks worried at yun ang hindi ko alam. Hindi naman tutol saamin si Lola dahil wala naman siyang ibang sinabi nung sinabi ko sakaniya ang tungkol saamin ni George. Nag-prepare talaga ako ngayon dahil may balak akong gawin. May supresa ako kay George ngayong araw.

Yun ay ang sasagutin ko na siya. Buo na ang desisyon ko dahil matagal-tagal na itong nanliligaw saakin at baka bagot na bagot na ito. Gusto ko pa nga siya pahirapan pero hindi ko na talaga mapigilan ang nararamdaman ko at baka maagaw pa siya saakin.

Maghapon akong nakatunganga nang may lumapit saakin. Nasa library ako ngayon at naghihintay lamang na mag-uwian. I already miss George na! Nagbabasa kasi ako ngayon ng novel nang hindi parin umaalis ang lalaki sa harapan ko. Lalaki dahil nakikita ko ang paa niya, nakayuko kasi ako sa mesa at ako lang mag-isa rito.

Pareho naman kami nina Issa at Tiffany ng school until now pero masyado talagang hectic ang schedule nila. Issa take an Architecture while Tiffany is in Med School. Ako naman ay Education.

Bata palang ako ay pinangarap ko nang maging guro, ang magturo sa mga bata. I want an Engineering course pero gusto ko muna na ipursue itong pagiging guro ko. Natigil lang akong magmuni-muni nang magsalita ang lalaki.

"Hi Rien," anito.

Mabilis akong tumingala at nakita si Geffrey. Oh! I forgot dito rin pala ito nag-aaral pero ngayon lang kami nagkita nito. His always busy rin dahil pareho sila ni Tiffany ng course na kinuha. I smiled to him, naupo naman siya sa tabi ko. He looks so tired.

"Oh hello. Kumusta ka na? You look tired," nag aalang sabi ko.

Ngumiti lang siya ng maliit at tumango.

"Yeah. Sa dami ba naman ng pinapagawa saamin," sagot nito.

Tinapik ko ang balikat nito bilang sign na okay lang yan. Kapag talaga nasa college ka na mas dodble yung stress and frustration. Ngayon ko lang din yun narealize. Habang tumatagal mas lalong dumarami ang mga responsibilidad.

"Buti nalang at nandito ka," sabi ko at ngumiti sakanya.

"Bakit?" nakangisi nitong sabi.

"Wala lang. Namiss lang kita," nakangiti kong sabi sakaniya at tinitigan lang ako nito.

Nakakamiss lang talaga kasing makipaglokohan sakaniya. As we grew older, marami na talaga tayong dapat ipriority kasi hindi na tulad ng dati. Everytime na naaalala ko yung Highschool life ko hindi ko maiwasan na mamiss ito.

HATE ME, DATE ME (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon