Chapter 18

52 16 5
                                        

Annulment

Nakatitig parin ako sa picture nilang masayang nakangiti sa camera. They looked happy and contented... without me. Napangiti ako ng mapakla.

George, My mother, Lesley, Issa, Tiffany and George's Father.

They've all changed a lot. Everything changed. Yung mga taong napamahal ako ay tuluyan na akong iniwan at itinaboy.

Nawalan ako ng gana na gawin lahat ang gusto ko dahil sa nakita kanina. Puta limang taon akong naghintay sakanya.

Tumulo na naman ang mga luha ko ng maalala si Mama. I want to see her! I want her to owe me an explanation! Explanation kung bakit niya ako iniwan, itinaboy at sumama sa ibang lalaki! I want an explanation to all of them! Bakit sila magkakasama?! Bakit feeling ko pinagkakaisahan nila ako?!

Hinawakan ko ang puso ko. Tangina ang sakit sakit na. Tama ang sinabi ni Geffrey, kelangan ko na siyang kalimutan at hayaan nalang. I need his signature para tuluyan na kaming hiwalay. We need to let go. No, I want to let go. This love is nothing but a nightmare.

Panaginip lang ang lahat ng nangyari saamin.

"Mommy!" sigaw saken ni Bella.

Inaamin ko, may kasalanan ako sakanya pero higit pa roon ang kasalanan niya saakin.

"Why are you crying Mommy?" nag aalalang tanong ni Bella saakin.

Umiling lamang ako sakanya at niyakap ito. No, ayoko madamay ang kapatid ko na 'to. She hugged me tightly and buried her face on my chest. Naramdaman ko ang pagluha nito, she's hurt.

"Bella, why are you crying baby?" pag alo ko rito.

"Umiiyak ka ei. Mommy naman." malumanay na saad nito bago inangat ang mukha.

I smiled sweetly at her.

" No baby, stop crying na. Okay lang si Mommy. " malambing na sabi ko rito at tumayo.

" Did someone hurt you Mommy?" nag aalalang saad ni Bella.

I shook my head and smile at her. Malamyos niyang pinaglandas ang mga daliri niya sa mukha ko at pinunasan ang luha ko. Nagtubig ulit ang mga mata ko.

This little girl loves me so much.

" Then why are you crying po? " nag aalala parin na tanong nito.

" Wala. Masyado ko lang ata dinaramdam yung binabasa ko." sagot ko.

" Ah okay. " nakangisi na ito ng humarap saken.

_________

Buo na ang desisyon ko pagkabangon ko palang. Pupuntahan ko siya para papirmahin sa annulment paper na kinuha ko kanina lang. Ang isipin na gagawin ko ito ng walang pag aalinlangan ang nakakapag pasaya saakin ng lubos.

" Mommy can I come? " malambing na saad ni Bella.

Bahagya ko itong hinarap saken at nginitian. Ayokong maging pabigat siya sa gagawin ko kaya hinayaan ko na tumambay muna rito si Geffrey para alagaan ang pamangkin niya.

" No baby, uuwi rin ako. " malambing din na sabi ko na ikinasimangot naman niya.

" Pero wala kang kasama. " pagpupumilit nito.

" I have baby. May kasama ako okay? "

Nagpaalam na ako sakanila ni Geffrey bago bumaba sa sasakyan. Inihatid nila kasi ako sa airport para daw safe. Even tho alam kong nag aalala sila saaken. Ngumiti ako ng matamis bago sila talikuran.

This is it. Magkikita na ulit kami and maybe this is the last day na magkikita kami. Masakit man ngunit kailangan ko 'tong harapin. Wala na akong panghahawakan sa relasyon namin dahil siya ang unang bumitaw. Siya ang unang nang-iwan.

HATE ME, DATE ME (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon