Chapter 11

100 62 4
                                    

Break

This is it. Nakatitig ako sa reflection ko sa salamin sa harapan ko. Kitang-kita sa mga mata ko ang sobrang kalungkutan at kahit na takpan ko ito ay nahahalata parin talaga.

Hindi ko lubos maisip na dito magtatapos ang lahat. Ang mga pinagsamahan namin ay mananatili saaking isipan lalong lalo na saaking puso.

Ito ang araw na aalis na ako sa buhay ng mga Demitre. Masyado na nila akong sinaktan at nawalan pa ng magandang trabaho si Lola. Lahat ng pera sana ni Lola na dapat ay sahod niya sa pagtatrabaho doon ay binawi nila. They're devil.

Ayoko mang maniwala pero naaawa na ako kay Lola, lahat ng pinaghirapan niya ay nawala lang dahil sa pang-aakusa namang katutuhanan at mga maling akala nila.

Sinabi na ni Lola saakin na huwag daw ako padalos-dalos saaking mga desisyon ngunit anong magagawa ko? Kahit na pigilin niya ako ay buo na ang desisyon ko. She can't stop me.

"Apo, mag iingat ka." paalam ni Lola saakin nang palabas na ako ng bahay.

"Opo Lola. Kayo din po," I politely said then kissed her cheek.

She smiled at me sadly and I sweetly smile at her to ease the sad mood around us.

Magtuturo muna ako bago kami magkita ni George. Ako yung tipong hindi ko hinahalo ang personal life ko sa job life ko. Ayoko maapektuhan nito ang pagtuturo kaya papasok ako ngayon kahit hindi maganda ang pakiramdam ko lalo na ang puso ko.

Nakasuot ako ngayon ng maong pants at white t-shirt na tinernuhan ko ng white rubber shoes.

It's our free day kaya kahit anong susuotin namin ay pwede, I don't wear skirts kapag nagtuturo ako dahil feeling ko masisilipan ako at hindi yun maganda sa paningin ng mga bata.

Hawak-hawak ko ang mga libro ko at naka shoulder bag ako para hindi mahulog ang mga gamit ko. Naka ponytail din ang mahaba kong buhok para hindi masyadong harang sa mukha ko.

"Good morning Teacher Rein," bati saakin ng mga estudyante na nadadaanan ko.

"Good morning," nakangiting sabi ko.

Pati mga kapwa guro ko ay bumabati rin saakin kagaya ko kapag may nadadaanan na guro. Ngiti lang minsan ang sinasagot ko dahil nalilito ako sa dami ng mga bumabati saakin. It feel so good kapag nandito ako sa paaralan. That's why lagi akong tumatambay rito kapag free time namin.

Kamuntikan na akong madapa ng may tumapik sa balikat ko.

"Ay asong gala!" gulat na sigaw ko.

Napatingin pa nga saakin yung mga estudyante ko kaya hindi ko nalang sila pinansin.

"Asong gala? Ang sama mo naman Teacher Villarine! " nakangusong sinabi ni Geffrey.

"Anong ginagawa mo rito?" tuno pagalit na tanong ko.

Inayos ko ang nahulog kong bag sa balikat ko at nagpatuloy na sa paglalakad papunta sa classroom ko.

"Ang sungit-sungit mo naman Rein. May mens ka ba?" tanong ng gagong lalaki na 'to.

Inignora ko na lamang siya at hindi na pinansin ang pinagpuputok ng butchi niya. Kanina pa kasi ito satsat nang satsat. Wala ako sa mood makipag-lukuhan sakaniya ngayon.

"Ano bang ginagawa mo rito?" tanong ko.

"Dinadalaw ka. Masama ba?"

"Hindi," maikling sambit ko.

Napatingin saakin ang mga estudyante ko bago tumingin sakaniya. Nakitaan ko ng pagkamangha ang mga mata nila nang makita nila ang nasa gilid ko.

Nagtuturo kasi ako ngayon at nakaupo sa table ko para sana mag-attendance.

HATE ME, DATE ME (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon